Advertisers

Advertisers

Sharon dedma na 2nd choice lang sa international film; Nora nangati nang bakunahan

0 167

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

ANG life pala ng Fil-Am comedian na si Jo Koy ay unang inalok sa dalawang aktres bago pa ito napunta kay Sharon Cuneta.

Tinanggihan nga raw ng dalawang aktres ang offer to do an international film at under sa production ng sikat na si Steven Spielberg.



Umurong dahil sa pandemic at hanggang maging positive na nga ang aktres kahit di pa ito lumalabas.

Ini-offer naman sa dalawang aktres nung sagsag ang killer virus sa buong mundo kaya naman big no ang sagot ng aktres bago pa man ito lumipad pa-Canada.



Ayaw naman pangalanan muna ang dalawang aktres na inalukan  sa role pero tumanggi bago pa man ito napunta kay Sharon.

No problem naman sa followers ni Sharon kung second choice lang ang kanilang idol.



Kuda pa ng followers ni Shawie na perfect choice nga raw na si Megastar ang ipinalit sa dalawang aktres na tumanggi.

Dedma naman ang kampo ni Sharon sa isyu na second choice lang siya sa nasabing international film.

Ang mahalaga ngayon, sa kabila ng pandemya ay may trabaho si Sharon na dumating sa hirap nga raw ng raket ngayon.

***

AFTER ng 68th birthday ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor, ito ay nabakunahan na.

Kita sa post sa socmed na dumaan nga raw sa tamang proseso si Ate Guy mula sa registration at pagpila sa center sa Eastwood.

Naiturok na nga kay Ate Guy ang unang dose ng vaccine na Sinovac.

Okey lang naman kay Nora kahit na anong brand ang isaksak sa kanya. Ang mahalaga ay may panlaban at protektado na ito sa killer virus na Covid-19.

Wala naman daw side effect ang nasabing bakuna maliban sa pangangati ng braso ni Nora.

Nag-thumbs up pa nga ito sa pagsalang sa bakuna na ikinatuwa naman ng kanyang mga tagahanga.

Well, well, well…’Yun na!