Advertisers

Advertisers

Mark Herras nagsalita tungkol sa pag-migrate ng pamilya sa US

0 6

Advertisers

Ni Anne Venancio

Nilinaw ng aktor na si Mark Herras ang kumakalat na isyu tungkol sa umano’y planong pag-migrate nila ng kanyang pamilya sa US.

Sa panayam kay Boy Abunda, sinabi ni Mark na kasalukuyang nag-aaral muli sa Pilipinas ang kanyang asawang si Nicole Herras upang tuparin ang matagal na nitong pangarap na maging nurse. Ayon sa aktor, nakapasok na si Nicole sa Trinity University.

“She’s gonna study again, si Nicole. Sa Pinas muna, nursing. That’s her dream,” ani Mark, na nagsabing masaya siya para sa desisyon ng kanyang asawa.

Ipinaliwanag din niya na parehong dual citizen sina Nicole at ang kanilang panganay na anak, habang inaayos pa ang dokumento ng kanilang bunsong anak. Dagdag pa niya, posible umanong magtrabaho si Nicole sa Amerika sa hinaharap at balak din siyang ipetisyon nito.

Gayunman, aminado si Mark na wala pa sa kanyang plano ang tuluyang pag-alis sa industriya ng showbiz.

“Wala akong ibang magandang kuwento sa buhay ko kundi itong showbiz,” giit niya, sabay sabing malaking tanong para sa kanya kung paano siya magsisimula ng panibagong karera sa Estados Unidos.

Samantala, inamin din ng aktor na may mga hindi pagkakaunawaan sila ng kanyang asawa na minsang nauuwi sa social media unfollowing, ngunit agad din umano itong naaayos at napag-uusapan. ‘Basta kung nasaan ang mga anak ko, doon ako,’ giit ni Mark.