Advertisers

Advertisers

Sarah Geronimo muling nakasama ang ama

0 4

Advertisers

Ni Anne Venancio

Dumalo si Sarah Geronimo kasama ang kanyang amang si Delfin Geronimo sa Earth Day Run 2026 na ginanap sa SM Mall of Asia, Pasay City noong Abril 19, na umani ng positive vibes mula sa mga tagasuporta ng singer-actress.

Nakunan ng larawan ang mag-ama habang magkasamang nakikilahok sa naturang fun run na layuning itaguyod ang environmental awareness at healthy lifestyle. Ibinahagi rin ni Sarah ang kanilang larawan sa kanyang social media account na may simpleng caption na, “Tatay Delfin gwapo.”

Kasama rin sa event ang ilan sa mga alagang aso nina Sarah at ng kanyang asawang si Matteo Guidicelli. Kabilang dito si Niña, na naging bahagi ng endorsement campaign ng singer noong 2025 at 2026, pati na rin ang iba pa nilang alaga na sina Dakota at Liya, na naging highlight din ng kanilang participation sa aktibidad.

Matatandaang matagal nang hindi nakikitang magkasama sa publiko ang mag-ama, kaya’t ikinatuwa ng maraming netizens ang kanilang muling pagsasama sa naturang event. Marami ang nagsabi na magandang indikasyon ito ng maayos na samahan sa pamilya Geronimo.

Nagpasalamat din si Sarah sa lahat ng lumahok sa Earth Day Run at sa mga sumuporta sa event. Sa isang light moment, nagbiro pa ang singer ng, “Iboto po ninyo ako sa susunod na eleksyon,” na ikinatuwa at ikinatawa ng mga dumalo at online followers.