Advertisers

Advertisers

Tambalang Bea at John Lloyd, sa Kapuso Network pala ang tuloy

0 297

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MARAMING followers si John Lloyd Cruz na natuwa at nabigla nang lumabas ang balitang ang unang TV appearance ng kanilang idolo after amost 3 years na ‘lumayo’ sa limelight ay sa GMA-7 sa tulong ni Willie Revillame.

Nagkita at nag-usap sa isang islang pag-aari ni Kuya Willie sina John Lloyd  kasama pa si Edgar Mortiz at makaraan ang ilang araw matapos ang naturang pag-uusap ay inanunsiyo ni Kuya Willie na magiging guest niya si John Lloyd sa kanyang 6-6 Shopee Super Mega Fiesta Special sa June 6 at ipalalabas sa GMA-7.



Sa kasalukuyan, si John Lloyd ay under sa talent management nina Maja Salvador at boypren nitong si Rambo Nunez, ang Crown Artist Management. At ang aktres ang mangangasiwa sa karir ng aktor.

Pero as early as now ay nabanggit ni Kuya Willie na abangan pa si John Lloyd sa bago niyang family pagkatapos ng Shopee event.

Malakas din ang tsikang malaki ang posibilidad na maging isang Kapuso si Bea Alonzo, ang original na ka-loveteam ni John Lloyd. And anytime ay sisimulan na ni Bea ang movie nila ni Kapuso Alden Richards.

Kung magiging Kapuso sina John Lloyd at Bea ay malaki ang posibilidad na mangyaring sa Kapuso Network din maisasakatuparan ang balik-tambalan nina John Lloyd at Bea sa isang teleserye.

***



DAVID LICAUCO  OK LANG NA ‘DI CHINESE ANG MAGING GF

AT dahil summer na ay muling sumabak si David Licauco sa mga sexy pictorial na underwear ang  suot.

Mas lalong naging hit  sa masa ang mga sexy pictures ni David nang mapansin siya sa first serye niyang ginawa katambal si Julie Anne San Jose, ang “Heartful Cafe” ng Kapuso Primetime Serye. Hindi tuloy maiwasan matanong si David kung sa pagpapaseksi niya sa mga pictorial ay may mga indecent proposals siyang natatanggap mula sa kabadingan at mga matrona.

Inamin naman ni David na noong bagets pa siya at  sumali sa Mr.Chinatown 2014 at mapalad na manalong 1st runner-ups ay inulan daw siya ng mga indecent proposal.

Bago ito para kay David that time at hindi na lang daw niya ito pinansin.

Ngayon isa nang ganap na macho si David at may magandang pangangatawan at mas naging hot sa mga  sexy pictorial ay patuloy pa rin ang pagdating sa kanya ng indecent proposals and with higher offers na, again ay dedma pa rin si David.

Natatawang kinuwento pa ni David na baka raw kaya kumaunti na ang ang kanyang mga  indecent proposals dahil iniisip ng mga ito na may datung na rin siya at malaki-laki na ang kinikita sa showbiz.

Pagdating naman sa kanyang lovelife ay inamin ni David na last 2019 pa siya huling nagka-syota. May tsika na kaya  raw natagalan na magkaroon ng gf si David dahil sa hindi raw niya type ang isang showbiz girl at dapat ay Chinese rin ang magiging karelasyon.

Ayon kay David, may mga Chinese family talaga na ang gusto ay kapwa nila Chinese ang maging nobyo o nobya ng kanilang mga anak, sa kaso naman daw ng pamilya niya ay mas liberal daw ang kanyang ama at ‘di naman kailangan na Chinese ang maging karelasyon niya.