Advertisers

Advertisers

Tsinelas, tsinelas!

0 1,397

Advertisers

MANG Kulas Pabili nga ng tsinelas Pudpod na’t gasgas Baka mapigtas tong luma kong tsinelas.

Yan ay bahagi ng mga titik ng awit ng Yano na Tsinelas.

Essential ang tsinelas sa buhay nating mga Pinoy. Bukod sa sapin sa paa ay panira sa tumbang-preso.



Ito’y gamit rin pangdisiplina ni inay sa mga batang pasaway. Pwede rin proteksyon sa mga braso ng isang natututo pa lang magbisikleta o kaya sa larong gapangan sa lupa.

Nitong ika-27 ng nakaraang buwan ay nagbigyan ng tamang pagpapahalaga ang paboritong footwear natin.



Ito ay naganap sa kaarawan ng 6-term na alkalde ng Naga na si Jesse M. Robredo, kilala sa kanyang tsinelas leadership. Tinawag itong National Tsinelas Day.

Matino at mahusay maglingkod ang madalas magkampeon sa chess sa kanyang lungsod. Yung may people empowerment at ethical governance na mga prinsipyo sa pagsisilbi.



Hindi mayabang. Hindi maepal. Lalong hindi sinungaling.

Malimit nakikita sa kanyang maogmang lugar na naka-rubber sandals na nagtratrabaho o naglalaro ngbasketball kaya malapit sa tao. Hindi ka makikiming lapitan at kausapin.

Dahil sa kanyang istilo ng pamamalakad sa kanyang siyudad ay ginawaran siya ng Ramon Magsaysay Award for Gov’t Service taong 2000. Kinilala rin ang mga malikhaing proyekto niya sa Naga ng ilang beses ng Galing Pook Foundation.

Bilang paggunita ng kanyang ika-63 na pagsilang ay naisip ng mga kasapi ng Linking Engaging Active Pinoys (LEAP) na magkaroon nga ng NTD. Naghandog sila ng mga tsinelas sa mga nasa laylayan ng lipunan sa 15 na bayan sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Inengganyo rin nila ang mga kababayan na regaluhan ng bagong pares ang regular nilang taho o balot vendor o mamang sorbetero. Eka nga sa kanta yung pudpod na ang isliper. Tulad ni Mang Danny ng Paranaque na nagtratrabaho sa isang vulcanizing shop. Gasgas na ang gamit niya pero pinagtitiyagaan pa rin. Kasi raw pangkain na lang ng pamilya niya ang perang pambili. Mabuti naging isa siya sa beneficiary.

Tunay na bayanihan of the people in action insipred ni JMR.

***

Namimiligrong walang Los Angeles na koponan sa 2nd round ng NBA playoffs. Kahapon dinaig ng Suns ang Lakers upang magwagi sa serye, 4-2. Tinalo rin ng Mavs ang Clippers noong isang araw para sa lead na 3-2.

Isang panalo na lang sina Luka Doncic at maaga rin magbabakasyon sina Kawhi Leonard.