Advertisers

Advertisers

Andre Drummond lumagda ng 1-year deal sa Knicks

0 3

Advertisers

SUMANG-AYON ang New York Knicks sa isang taon na kontrata $3.9 million sa veteran center Andre Drummond, ayon sa balita Biyernes (Sabado) sa Pilipinas.



Si Drummond, na maging-33 sa susunod na buwan, ay papalitan si Mitchell Robinson, na naglaro ng walong season sa New York at naging matibay na depensa at mahalagang parte ng team na nanalo sa 2026 NBA Finals.

Si Drummond, na da-lawang beses naging All-Star, ay naglaro para sa anim na koponan sa loob ng 14 na season sa NBA. Ginugol niya ang kanyang unang 7 1/2 season sa Detroit Pistons bago lumipat-lipat sa limang iba’t ibang koponan.



Si Drummond ay may average na 6.4 puntos at 8.4 rebounds sa 63 laro (25 beses bilang starter) para sa Philadelphia 76ers noong nakaraang season.

Sa kabuuan, may average si Drummond ng 12.1 puntos, 11.9 rebounds, at 1.2 blocked shots sa 967 laro (688 beses na nagsimula). Nasa ikawalo siya sa mga aktibong manlalaro sa 1,197 blocked shots.