Advertisers
SINAMPAHAN na ng kaso ng PNP CIDG ang mga nasa likod ng kontrobersiyal na vaccine slot for sale.
Ayon kay PNP-CIDG Director, Gen. Albert Ferro, kabilang sa mga kinasuhan sina Cycle Cedric Bonifacio at Melvin Polo Gutierrez.
Kasong paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code o Estafa, paglabag sa Anti-Red Tape law, at paglabag sa Anti-Cybercrime law ang isinampa ng CIDG sa Mandaluyong City Prosecutors Office laban sa dalawa.
Ninilaw ni Ferro na hindi empleyado ng Mandaluyong City Hall sina Bonifacio at Gutierrez taliwas sa naunang lumabas na balita.
Una nang ibinunyag ng Vlogger na si Nina Elaine Dizon ang maanomalyang transaksiyon kungsaan maaaring makakuha ng slot sa bakuna sa mga lungsod ng Mandaluyong at San Juan ang mga biktima ng dalawa kahit hindi sila residente ng mga nasabing siyudad.
Sa panig naman ni PNP Chief, Gen. Guillermo Eleazar, patuloy parin ang imbestigasyon ng CIDG kaugnay sa nasabing kaso na posibleng may iba pang indibidwal ang sangkot dito.(Mark Obleada)