Advertisers

Advertisers

Kris at fiance, sagot ang swab test ng 100 bisita sa kasal

0 280

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

JUNE bride talaga ang napag-usapan noon nina Kris Bernal at ng fiance na si Perry Choi nang mag-propose ng kasal ang huli sa una.

Pero dahil sa mataas pa rin ang cases ng Covid 19 at may social distancing ay iniurong nina Kris ang buwan ng  kanilang kasalan. Ginawa na nga nila ito ngayong darating na September.



Isa sa dahilan kung bakit iniba nina Kris ang date ng kanilang kasal ay dahil gusto ng couple na marami silang maging bisita at sa ngayon ay meron na silang 100 invited guests.

Maraming mga kinakailangan bago pa man maganap ang kanilang kasal na sosobra sa estimated na gastusin sa kasal ang ilalabas na pera nina Kris at Perry.

Sa pagpaplano palang daw ng kanilang kasal sa September ay lumolobo na ang gastusin nila.

“Ang hirap lang kasi lahat ng preps puro online. Magastos kasi every time may prenup kami or every time makikipag-meet kami sa supplier, lahat ng swab talaga sagot namin,” pahayag ni Kris.

Inamin din ni Kris na kahit ang 100 invited guests nila ay sagot nila ang mga swab test.



“Kasi doon sa wedding namin hindi kasi siya intimate, hindi siya ‘yung 20 lang, hindi siya ‘yung 10. Pero 100 pax kasi kami. So isipin mo 100 ‘yung isu-swab namin and more pa. So medyo mas malaki ‘yung gastos at saka mas nakakapagod siya ngayon,” dagdag na sabi pa ni Kris.

***

JOAQUIN AT CASSY, PACKAGE DEAL

LIKE father like son talaga ang mag-amang Manila Mayor Isko Moreno at Joaquin Domagoso. Habang nagle-level up si Mayor Isko sa kanyang political career ay umaariba naman  ang kanyang anak sa showbiz.

Mula sa pagiging aktor sa teleserye na “First Yaya” ay bilang host naman ang bagong project ni Joaquin sa pagtatapos ng “First Yaya” na nag-last taping na. Masaya si Joaquin sa naging outcome ng kanyang first ever teleserye, bukod kasi sa ang taas ng ratings nito gabi-gabi ay tinanggap din at kinilig ang maraming fans sa tambalan nila ni Cassy Legaspi.

Tsika tuloy sa sobrang klik at ganda ng chemistry nila ni Cassy ay package deal na rin ang dalawa sa mga project. Sa katunayan nito ay may follow up show agad ang dalawa           na isang comedy-gag-variety show for Gen Zs at may pamagat na “Flex.”

Makakasama ng dalawa sina Lexi Gonzales at Athea Ablan, mapapanood every Sunday sa GTV.

Ayon naman kay Joaquin ay happy siya sa loveteam nila ni Cassy  pero may mga project na hindi sila magkasama tulad sa first ever movie in a lead role na gagawin niya, ang “Caught in the Act” na ang katambal niya rito ay isa ring baguhan from PBB na si Andi Abaya, plus new discoveries Josh Lichtenberg, Jhassy Cruz Busran and Bamboo B.

The movie is produced by MPJ Entertainment Productions and Golden Brilliance.