Advertisers

Advertisers

Sharon Naloka Sa Eksena Nila Ni Marco Gumabao Sa “Revirginized,” Marion Aunor At Sister Na Si Ashley Nagpabakuna Na

0 228

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

Hindi lang palanagpakita ng cleavage sa kanyang comeback movie na “Revirginized” si Sharon Cuneta kundi may eksena pa siya sa movie na dinidilian ang asin sa dibdib ng young hunky leading man na si Marco Gumabao. Sa kanyang Instagram account ay patiling sinabihan ni Sharon ang director nilang si Darryl Yap na ito pala ang pinagawa sa kanya sa movie at ganito pala lalabas. Wala na ‘yung post ni mega sa kanyang ID na tinilian nito si Direk Darryl, pati picture ng eksenanila ni Marco ay binura na ng actress, na hanggang ngayon ay nasa Los Angeles California pa rin.
This August na ang showing ng Revirginized sa VivaMax, at daring ang tagline nitong “PinaINIT, PinaKIPOT, PinaSIKIP.
***
Maliban sa sumusunod si Marion Aunor sister na si Ashley at syempre ang ever loving and supportive Mommy si Maribel Aunor sa health protocols gaya nang pagsusuot ng face mask, face shield at swabtest tuwing may shooting at TV guestings ang singer-actress. Nagpabakuna na rin recently si Marion at Ashley at first dose of vaccine nila ito at may isa pa.
Mapapanood sa Instagram account ng mag-sister habang sila ay binabakunan sa Mandaluyong at ipinakita nila ito marahil para maka-engganyo ng tulad nilang kabataan na huwag matakot at dapat magpa-vaccine para proteksyon sa covid-19 o anumang uri ng virus. Samantala excited na si Marion sa showing ng movie nilang Revirginized na pinagbibidahan nga ni Sharon Cuneta. May mga naka-line-up pang projects ang dalaga sa Viva Artists Agency na namamahala ng kanyang career. Si Ashley Aunor naman ay chill and relax lang at waiting sa gagawing proyekto. Saka marami ang tumatangkilik sa mga kanta nitong “Mataba” at “Loko.”
***
JC Garcia, Dinalaw Ng Mga True And Real Rich Friends Sa Hospital
After ng mahabang trip sa iba’t-ibang parte ng Amerika, kung saan nag-enjoy siya ng husto ay na-cofined sa isang kilalang private hospital sa Los Angeles, California si JC Garcia, dahil sa sumama bigla ang pakiramdam. Well, sabi namin sa kaibigang recording artist-dancer at unti-unti ng nakikilalang Online Host sa KUMU at ATC Channel 31 BEST TV, kung kinaya niya at nalag-pasan ang ilang beses na atake sa puso ay sigurado ay gagaling siya agad lalo’t mahal siya ng
Itaas dahil sa mabuti siyang tao. Pero infairness ang ganda ng private room ni JC sa hospital kung saan siya naka-confined na mala room sa five star hotel na kumpleto ng gamit. At shock ka-mi dahil $1500 pala daily ang bayad sa ganitong room, na afford naman ni JC dahil nakapag-save naman siya ng kanyang hard earned money. Kaya galit siya at may mga taong gumagamit ng pangalan niya para makapang-hinge ng donasyon sa kanyang hospital bill samantalang hindi niya kailangang manglimos sa kanyang hospitalization.
At dahil very much well-loved si JC ng mga true and real rich friends ay ilan sa kanila ay binisita siya at isa na rito ang good friend niya ng halos two decades na co-recording artist na si Yolanda Siracusa na sikat noong recording star ng Blackgold Recording Company at Viva Records. “I don’t know what to say , I have not expecting you are coming because you(Yolanda) are a very busy person.But you make a time to visited me I really appreciated you!” Pasasalamat pa ni JC sa nasabing kaibigan. Even his brother Joey, iniwan ang trabaho para ma-check kung ano ba ang nangyari sa kanya. Yes very close si JC at ang kanyang Kuya Joey na matagal na ring based sa States.