Advertisers

Advertisers

LIFE AFTER YOU NINA MARICEL AT BELA SULIT ANG PERA

0 3

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Sulit ang salaping ibabayad para panoorin ang pelikulang “Life After You” nina Diamond Star Maricel Soriano at Philippine Cinema’s Queen of Hearts Bela Padilla.

Napanood namin ang movie sa red carpet premiere nito Lunes ng gabi, September 7 sa Cinema 2 ng SM Megamall.

Matino ang pagkakasulat at pangkakabuo ng director/ writer ng pelikula na si Marla Ancheta.

Maayos na nailahad simula umpisa hanggang katapusan ang kuwento ng tatlong babae, si Ryza Cenon ang pangatlo, na umikot ang buhay sa isang bata na ginampanan ng child actress na si Dani Zee.

At kung napaka-charming ng karakter ni Gardo Versoza sa pelikula, nakamumuhi at nakakagalit naman ang pagkatao ni Marlo Mortel sa istorya.

Gusto namin na walang nag-overacting sa pelikula; hindi nanlamon sa pag-arte si Marya at hindi rin nag-effort si Bela na huwag masapawan ng Diamond Star.

In other words, ginampanan nila sa tamang timpla ang mga tauhang ipinagkaloob ng Viva Films sa kanila sa pamamagitan ng pelikula.

Palabas na ngayon sa mga sinehan ang “Life After You” at nananalig kami na kikita ito, sana, lalo pa at tila mahihina umano ang ilang pelikulang sinundan nito sa takilya.