Advertisers

Advertisers

CHIN-CHIN GUTIERREZ MULING NAGPAKITA PAGKATAPOS NG ISANG DEKADA

0 2

Advertisers

Ni Anne Venancio

Matapos ang mahigit isang dekada na malayo sa limelight, muling naging usap-usapan si dating aktres Chin-Chin Gutierrez matapos siyang mapabilang sa isang espesyal na coffee table book ng Miriam College.

Itatampok si Chin-Chin sa The Legacy We Carry: 100 Years From Maryknoll to Miriam, isang commemorative book na bahagi ng selebrasyon ng ika-100 anibersaryo ng paaralan. Dito niya ibinahagi ang kaniyang journey of faith at mga pagpapahalagang nabuo niya noong panahon niya bilang estudyante.

Kapansin-pansin ang pagbabalik niya sa public spotlight dahil tahimik na niyang iniwan ang showbiz noong 2015. Sa halip na ipagpatuloy ang kaniyang acting career, pinili niyang mamuhay bilang consecrated layperson, isang taong namumuhay ng religious life at may private vows nang hindi kabilang sa isang religious order o convent.

Kasama rin sa libro sina music icon Celeste Legaspi, National Artist for Dance na si Alice Reyes, direktor Olivia Lamasan, at PEP founding editor Jo-Ann Q. Maglipon.

Ilulunsad ang libro sa September 12, 2026 sa Fairmont Makati bilang bahagi ng Miriam College Centennial Night. Presyo nito ay P5,000 at maaaring i-order online sa pamamagitan ng Maryknoll-Miriam College Alumni Association.

 

** *

LOVI POE MAY DAHILAN KAYA TAHIMIK TUNGKOL KAY FPJ

IPINALIWANAG ni Lovi Poe kung bakit bihira niyang pag-usapan sa publiko ang kanyang yumaong ama na si Fernando Poe Jr. o mas kilala bilang FPJ.

Sa panayam niya kay Boy Abunda, sinabi ni Lovi na may dahilan ang kanyang pananahimik tungkol sa kanilang pamilya.

Ayon sa aktres, hindi naging malaking bagay sa kanilang tahanan ang pagiging sikat ng kanyang ama. Bata pa lamang siya ay alam na niyang si FPJ ang kanyang ama, ngunit hindi ito naging espesyal na usapin sa kanilang pamilya.

Gayunman, sinabi ni Lovi na malaki ang respeto at paghanga niya kay FPJ. Mas nakilala umano niya ang kanyang ama sa pamamagitan ng mga kuwento ng mga taong nakatrabaho nito.

Ibinahagi rin ni Lovi ang ilang kuwento tungkol sa kabaitan ni FPJ, kabilang ang mga narinig niya mula sa ibang artista.

Para kay Lovi, mahalaga ang magandang pangalan at legacy na iniwan ng kanyang ama sa industriya ng pelikula.

Gayunman, pinili niyang maging tahimik tungkol sa kanilang personal na buhay upang mapanatili ang privacy ng kanilang pamilya.

Samantala, sinabi rin ni Lovi na maayos ang komunikasyon nila ng kanyang half-sister na si Grace Poe.