Advertisers
NASAGIP ang 24 crew members at mga pasahero ng lumubog na bangka na patungo sanang Tawi-Tawi sa karagatang sakop ng Bitinan Island, Banguingui, Sulu, Martes ng madaling araw.
Kinilala ang mga nasagip na sina Arnin G. Jairul, 26; Habibjain U. Manayo, 26; Fatima Santos F. Ong, 61; Abdulmalik Maulurana, 30; Alsana Maulurana, 41; Eddie John Shun 25; Moh Elis Utoeglis, 55; Elibel S. Utoeglis, 30; Ahmed Deedat U. Isnani, 33 y/o; Asri Imbang, 22; Subtal Alih, 24; Akrim Abdulhakim, 46; Suhaili Darkin, 26; Ronnellio Moh. Hassan, 33; Jalil Dandahani, 22; Hja. Diantoy L. Assiong, 56; Adelie O. Mohammadbakie, 38; Mohammad Said Bennaser, 26, at captain Mohammad Ali S. Assiong.
May limang pasahero naman ang nauna nang tumalon sa bangka na kalaunan ay nasagip din na kinilalang sina Alnajin Najalin, 46; Shemafadz Paraakka, 36; Madsino Dirih, 43; Bensaid Mohammad Said, 21; at Radzwida Pitung, 21.
Ayon kay Colonel Hernanie Songano, kumander ng Naval Task Group Sulu, nagkaroon ng engine trouble sa gitna ng dagat ang nasabing bangka sabay pinaghahampas ng mga alon.
Karamihan sa mga sakay ng bangka ay mga maliliit na negosyante na bumili ng kanilang pang negosyo.(Jocelyn Domenden)