Advertisers
POSIBLENG ilalabas na ang memorandum ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa paggamit ng face shield ngayong Linggo.
Saad ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, hangga’t hindi nakakapagpalabas ng pormal na kautusan, ibig sabihin ay mananatiling “status quo” o parehas pa rin ang regulasyon kaugnay sa pagsusuot ng face shield.
Binigyan-diin ni Nograles na nakasaad sa ilalabas na memo ang mga lugar na kanilang inirekomenda kung saan kinakailangan pa ring magsuot ng face shield.
Kamakailan, ay pinaboran ng pangulo ang mungkahi na pag-aalis sa polisiya ukol sa pagsusuot ng face shield at sinabi na sa ospital na lamang dapat isuot ito. (Vanz Fernandez/Josephine Patricio)