Advertisers

Advertisers

Kris umamin, naghahanap ng stepdad para kina Joshua at Bimby

0 297

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

NAGBIGAY na ng update si Kris Aquino na umepekto  na sa kanya ang bakuna  at  may  antibodies na siya.

“I  didn`t  post  anything  kasi  yung  1st  blood  panel  ko  wasn`t  good  ( as  I  said  marami  kayong  problema  so  my health  issues  shouldn`t   be  your  concern) and  I  said  I`d   give  you  an  update  kung may  antibodies  na  ako…so  I  kept  quiet  & waited  because  w/  the  vaccine   I  chose  mas  matagal  ( and  I`m  assuming  it`s  also   because  of  all  my  underlying  health issues) so  it  took  me  close  to  4 weeks  to  develop  Covid-19  antibodies.  BUT  yes, now  I  have  them,” bahagi  ng  post  ni Kris na binati rin siya ng dalawang anak  ng  Happy Father`s Day.



Sa naturang post din ay sinabi ni Kris na may pinaghahandaan siya  at  kailangan maging healthy siya.

“I  have  2  commitments  with  brands  I really  wanted  to work with  so  I`ll  finish  those  next  week…then  I`m   taking  a short  sabbatical because  may paghahandaan  and  i  won`t  be  able   to  give my  100% kung  hindi ako  healthy.”

Sinabi  rin niya sa pagpapatuloy ng kanyang post na hindi niya pinangalanan  na pinuntahan niya sa lock-in taping  para lang batiin ng happy  birthday at  para ibigay din ang kanyang regalo  at  sulat.

Sa ngayon ay naghahanap  si Kris ng bagong magiging  stepdad  ng kanyang  mga anak.

“He  doesn`t  have to be rich  or  famous, better  nga kung hindi siya public figure….basta tama ang value, madasalin, may integridad, matalino at  masipag,  answered  prayer  na siya.  I`ve  achieved  all my dreams, it`s  now  my  turn  to focus on  what  really matters- trying  for my  sons   get  the  father  figure  they  never  had.”



***

JOHN LLOYD KASAMA ANG ANAK NA SI ELIAS SA FATHER’S DAY

Sa  wakas nakasama na rin ni John Lloyd Cruz ang kanyang anak kay Ellen Adarna na si Elias  sa pagdiriwang ng Father`s  Day.

Ipinost  nga ni Lloydie sa kanyang Instagram ang larawan nilang mag-ama na makikitang  nakapasan sa kanya si Elias.

Walang caption na nilagay si Lloydie sa larawan  at binigyan lang niya ng credit  ang kumuha ng larawan.

Dahil hindi pa marunong gumamit ng cellphone si Elias kaya hindi nito nabati ang ama ng Happy Father`s Day.

Ang mga followers na lang ni Lloydie ang bumati sa kanya at ilan nga sa mga ito ay sina Cristine Reyes, Iza Calzado, Carla Abellana, Ryzza Mae Dizon, Adrian Alandy at Dennis Trillo.

May netizen  na nag-comment  na nasa Boracay  daw ang mag-ama at sinusulit ang mga sandali dahil matagal-tagal din sila hindi nagkikita.

Naibsan ang pagka-miss ni Lloydie kay Elias dahil magkasama sila nag-celebrate ng Father`s Day.

***

PIOLO PASCUAL MAY HINIHINTAY BAGO LUMIPAT NG GMA 7

HANGGANG ngayon ay marami pa rin ang nag-aabang kung talagang susundan na rin ni Piolo Pascual ang mga dati niyang kasamahan sa ABS-CBN na lumipat na sa GMA 7.

Sa ngayon kasi ay isinusulong ni Papa P,  ang tatay niya sa showbiz na si Johnny Manahan para maging National Artist.

Father`s Day message nga ni Piolo kay Mr. M na sinulat niya ang #MrMforNationalArtist at may emoji pa ng victory.

Samantalang totoo kaya ang balita na kapag  nasa GMA Artist Center na  sina Mr M  at Mariole Alberto saka pa lang  daw  magiging malinaw   ang  usapan  sa paglipat  umano ni Papa P  sa GMA Network.

Sa ngayon ay nasa America  pa raw  si Papa P  para bisitahin ang kanyang  mom  na nag-celebrate  ng 75th  birthday. Sa video ay makikita na nagulat ang mom ni Piolo  nang makita siya sa may pintuan ng kanilang bahay. Ayon kay Papa P, talagang sinorpresa niya ang kanyang pinakamamahal na ina.