Advertisers

Advertisers

Gretchen ‘di na apektado ng bashers sa edad na 51

0 451

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

KILALA sa industriya si Gretchen Barretto sa isa sa mga artista nating palaban at kadalasan ay pinapatulan ang mga negative issue sa kanya. Palaban talaga si La Greta at hindi siya ang tipo ng babaeng iiyak na lang sa isang tabi pag nakanti.

At nang mapasabak si La Greta sa isang Question and Answer sa blogsite ng isang malapit na kaibigan ay natanong ang aktres kung paano niya ngayon ina-handle ang mga bashers niya?



“Love or hate, I welcome it all naman,” say ni Gretchen.

Aminado naman si Gretchen na noong kainitan niya sa showbiz at bata-bata pa ay talagang pinapatulan niya ang mga bashers. Pero lahat ng ito ay nagbago as time goes by

“When I was so much younger, yes, they used to because I lived in a world where I felt all that they thought of me or their opinion would matter, but not anymore.

“I’m 51, I mean you know, really? How can all your opinion just matter? We don’t live naman for the approval of people. We don’t live for okay, you know, bashers. That doesn’t bother me anymore,” say pa rin ni Gretchen.

***



HINDI na bumabata si Christian Bautista sa edad na 39 at may asawa na rin naman siya, si Kat Ramnani. Ilang taon na rin naman silang kinasal kaya marami tuloy ang nagtatanong kung kailan kaya mababati ng kanyang mga supporters ng ‘happy father’s day’ ang idolo?

Tsikang  tila nawala na sa focus ni Christian ang maging isang ama pagkatapos ng honeymoon period nilang mag-asawa dahil sa dami at sunud-sunod na proyektong binibigay sa kanya ng mother network . After kasi maging judge sa “The Clash: Season 3” ay salang naman agad si Christian sa kanyang Sunday musical variety show na “All Out Sunday” at ngayon ay nasa lock-in taping naman siya para sa isang musical series na “Still” na kasama ni Christian sina Julie Anne San Jose, Bituin Escalante, Gab Pangilinan at iba pang stage musical actors.

“It’s currently on hold. Mahirap mag-baby while we’re in the midst of a pandemic. We don’t even know the effects yet the vaccine might have for pregnant women and prospective mothers. So we’ll wait muna until this health crisis is over.

Ang gusto namin, when things get back to normal, magbakasyon muna kami in another country for a change kasi ang tagal na nating naka-quarantine,” say ni Christian.