Advertisers

Advertisers

Construction worker, binoga ng riding-in tandem

0 261

Advertisers

CAUAYAN CITY- Palaisipan ngayon sa pamilya ng construction worker ang motibo ng mga salarin sa pagbaril patay sa kanilang kaanak ng riding in tandem criminal sa barangay Alibadabad, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Giovanni Ignacio, 30 anyos at residente ng San Pedro, San Mariano, Isabela.



Inihayag ni Police Staff Sgt.Rogelio Ignacio Jr., tagasiyasat ng San Mariano Police Station, kasama ng biktima ang isang Jeremy Babaran, 20, ng Daragutan East, San Mariano, nang pagbabarilin.

Hindi tinamaan ng bala ng caliber .45 si Babaran, kundi ang puntirya lamang ay si Ignacio.

Hindi nakilala ni Babaran ang dalawang salarin dahil nakasuot ng helmet at naka-sweater ng itim.

Sa report, patungo ang mga biktima sa kanilang trabaho sa Barangay Zone 1 nang mapansin nilang may sumunod sa kanila sa Barangay Alibadabad na dalawang sakay ng motorsiklo.

Sinabi ni Staff Sgt. Ignacio na walang alam ang pamilya ng biktima na nakaaway nito kaya wala silang masabi sa motibo sa pagpaslang sa kanilang kaanak.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">