Advertisers

Advertisers

Covid update:3,604 bagong kaso; 5,840 gumaling; 77 nasawi

0 472

Advertisers

PUMALO na sa kabuuang 1,481,660 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa makaraang makapagtala pa ng 3,604 na karagdagang kaso ang Department of Health (DOH) nitong Martes, Hulyo 13.

Samantala ay mayroon namang naitalang 5,840 na gumaling at 77 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.2% (46,934) ang aktibong kaso, 95.1% (1,408,634) na ang gumaling, at 1.76% (26,092) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 11, 2021 habang mayroong 7 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 2.7% sa lahat ng samples na naitest at 2.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)