Mavy iniyakan ng pamilya nang pumasok sa lock-in taping ng serye; Joem babu na sa paseksi dahil ama na
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
PARA kay Joem Bascon kahit anong role ay gagampanan niya hanggang sa makakaya, walang maliit o malaki na role, ‘ika nga niya trabaho lang at walang personalan.
Isa sa labis ding kinabiliban kay Joem ay ang pagsabak niya sa mga daring scenes, walang inhibition sa katawan, hubad kung hubad. Kahit mga gay-themed movie ay gora si Joem. At ngayon ay may bago siyang movie na ipalalabas, ang ‘The Other Wife’ nila nina Lovi Poe at Rhen Escano.
Ayon sa aktor, mas naging palaban siya sa mga daring and sexy scenes kasama si Rhen. Todo bigay talaga na.
Pero ngayon na isa na siyang isang ama at super ini-enjoy na nga ito ni Joem kasama ang kanyang partner na si Meryll Soriano, as in family man na ang datingan ngayon ng hunk actor, tsikang titigil na raw siya sa mga pelikulang matitindi ang love scenes.
“And I guess after this movie siguro ’yon, magto-tone down siguro ako sa mga [sexy] films na gagawin ko,” ani Joem.
Say pa nga ng aktor, bago niya gawin ang naturang pelikula ay nag-usap na muna sila ni Meryll at nabigyan naman siya nito ng positibong tugon. At sa desisyon niyang huminto na muna sa paggawa ng mga sexy movies, wala raw kaugnayan dito ang kanyang pagiging ama. Nais lang daw niyang subukan pa ang ibang genre.
***
AFTER ng kakambal ni Mavy Legaspi na si Cassy na sumabak sa isang teleserye, turn naman nito ngayon ang magdrama dahil kasali siya sa cast ng ‘I Left My Heart In Sorsogon’ na pinagbibidahan nina Heart Evangelista, Richard Yap at Paolo Contis.
Half brother ni Heart ang role ni Mavy at mafa-fall siya sa byuti ni Kyline Alcantara.
Bago sumabak sa lock-in tapings at ihatid ng kanyang pamilya sa set ay cry me a river ang eksena ni Mavy habang nagpapaalam sa kanyang pamilya, sa kanyang mga magulang na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel at sa kakambal na si Cassy.
First time kasi para kay Mavy na mahiwalay sa kanyang pamilya dahil sa aabutin ng mahigit isang buwan ang kanilang lock-in taping.
Pinadaan na lang ng pamilya ni Mavy ang kanilang mensahe sa pamamagitan ng social media account.
Say ni Zoren sa isang larawan na yakap niya ang anak habang pinupunasan nito ang luha sa mata; “It’s hard to let this guy go to spread his wings. Come back with a wider and longer wingspan. Always pray at night and when you wake up. I love you as my son and as my friend.”
Say naman ng kanyang kakambal na si Cassy; “Goodluck Sebastian (pangalan ng karakter ni Mavy sa ‘I Left My Heart In Sorsogon’), It’s your time to shine!”
Sinagot naman lahat ito ni Mavy sa pagsasabing; “I’ll be back, fam. Time to spread ’em wings. Yes, mom cried. I love you.”