Advertisers

Advertisers

Jessy sinagot ang isyung laos na at wala nang offer na proyekto

0 294

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA vlog ni Jessy Mendiola kasama ang kaibigang si Enchong Dee, may mga sinagot ito hinggil sa mga binabato sa kanyang isyu.

May nakarating sa kaalaman ng aktres na siya ay la ocean deep o laos na at walang offer na mga project.



Pinabulaanan naman ni Jessy ang mga paratang sa kanya na siya ay laos na kaya walang mga raket sa showbiz.

Ayon sa misis ni Luis Manzano, hindi raw totoo na wala siyang offer.



Napakarami nga raw offer sa kanya na project pero mas inuuna nito ang kanyang health.

Dagdag pa ang lock in na marami nga rin daw makakasama at kung bakit di niya ito na grab-mas inuna nga raw nito ang kanyang kalusugan.



Kahit walang showbiz ganap dahil di tinanggap ni Jessy ay sa kanyang vlog or YT channel niya siya busy.

Mas nakakaipon at kumikita pa nga raw ito ngayon kahit walang projects.

At sa kanyang YTC ay hindi nga raw ito ngarag o puyat at bukod sa nag-eenjoy ito ay kumikita pa siya.

May laos ba raw na active sa socmed na usung-uso ngayon kahit wala pang project si Jessy.

***

Daniel Padilla walang hilig sa socmed

KUNG ang ilang kabataan at artistang tulad ni Daniel Padilla ay babad sa social media ay ibahin nga raw ang batang aktor.

Kahit nga sa edad nito na kahiligan ng pagtutok sa socmed ay hindi naman ganun ang inaasahan ng marami kay Daniel.

Bilib nga raw si Daniel sa gf na si Kathryn Bernardo dahil nababalanse nito ang kanyang time na matutukan ang skedyul at may time sa socmed.

Kung si Daniel nga raw ay wala itong hilig na magbabad at tumutok sa socmed pero kailangan din naman nito na mag-post para ma-update ang followers.

Kaya ikinagulat ng netizens ang mga rebelasyon ni Daniel sa isang panayam na kahit bagets pa ito ay walang hilig sa in na in ngayon na socmed.

Pinuri naman si Daniel ng netizens sa pagiging totoo sa sarili kaya mas lalo naman nilang hinangaan ang bf ni Kathryn.

Well, well, well…’Yun na!