Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
AKTIBO ang magkaibigan o mag-“bespren” na sina Arci Muñoz at chairman ng Bespren ng Bayan Foundation na si Renan Morales sa adbokasiya nila na hikayatin ang lahat na magpabakuna laban sa COVID-19.
Ang nakakatuwa pa nga, bibigyan ni Renan ng pera ang mga magpapabakuna.
Ayon kay Renan…
“Last week nag-start na po kami ng campaign na kung sino man ang magpapabakuna, bigyan po namin ng tig-200 pesos, and then yung second dose, bibigyan po namin ng 100 pesos.
“Nag-start po kami ng campaign through my page [Bespren Ng Bayan]. What I did, sabi ko, ‘Mona, okay lang ba samahan mo ako sa Nueva Ecija?’
“Si Ramona [tunay na pangalan ni Arci] po ay sinamahan po ako. Nandoon kami.
“Simple lang naman po. Nag-half po kami sa 500,000 na budget at binigay po namin doon sa lahat na 417 na tao. Tapos, yung remaining po na 80,000 for their food.”
Tumutulong si Arci sa adbokasiya ni Renan, lalo na sa Nueva Ecija kung saan nagmula si Renan.
Nagkakilala sina Arci at Renan sa isang outreach program sa Batangas, at doon nagsimula ang friendship nila at pagiging kapit-kamay sa mga proyekto , lalo na sa kampanya sa pagbabakuna laban sa virus.
Nasa Facebook page na Bespren ni Renan Morales ang iba pang mga detalye sa kanilang mga iba pang proyekto bukod sa pagbabakuna at lahat ay nakasentro sa pagtulong sa kapwa.
***
Speaking of Arci Muñoz, sa ganda at kaseksihang iyon ng aktres ay aktibo siya bilang Army Reservist at sa bagong responsibilidad na ibinigay sa kanya ng Department of Interior and Local Government; kinuha si Arci ng DILG bilang ambassador sa bagong kampanya ng naturang ahensiya na tinatawag nilang “Disiplina Muna.”
Hindi nagdalawang-isip si Arci na tanggapin ang alok ng DILG.
“Sabi ko nga sa kanila, I would do anything and everything in my power to help influence and encourage people especially the youth, the young ones.
“Sabi kasi nila, ‘You know what, Mona, you can influence kahit saan banda o sa social media, kasi you are part of television, music, you’re Air Force.
“I have so much on my plate right now. And sabi ko sa kanila, it will be a great privilege for me if I can help you this little way to encourage people to get vaccination.”
“I’m also encouraging a lot of people kung sino man ang tumulong dito sa advocacy namin, because of course our goals, me and Renan.
“Noong sinabi ni Renan na he wants to help, he wants to do this… kasi, we have the same advocacy, same vision, same mission. So, sabi ko, ‘Yes, of course, let’s do this.’
“This is just the beginning of our partnership and of course it will go a long way.
“We’re thankful sa mga taong kagaya ni Renan na willing to donate, to help,” pahayag pa ni Arci.