Advertisers

Advertisers

Pamamahagi ng P9-B risk allowance ng health workers pinasisilip sa Kamara

0 287

Advertisers

INIHAIN ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred Delos Santos ang isang resolusyon upang silipin ang pamamahagi ng special risk allowance para sa mga health care workers ngayong may pandemiya.

Sa ilalim ng House Resolution 2102, inaatasan ang angkop na komite sa kamara na magsagawa ng investigation in aid of legislation hinggil sa isyu ng paglalabas ng SRA.

Kasunod ito ng social media post ng isang nurse kung saan sa loob ng pitong buwang pagtatrabaho ay nakatanggap lamang ng P3,863.63 na SRA.



Aminado ang naturang nurse na hindi naman siya naka-destino sa emergency room ngunit lahat ng health care worker ay lantad sa sakit.

Bukod dito, hindi rin aniya inilalabas ng kanilang Human Resource ang computation dahil sa confidential umano ito.



Salig sa Bayanihan 1 at 2, lahat ng health care worker ay dapat makatanggap ng SRA.

Tiniyak naman ni DOH Assistant Secretary, Dr. Romeo Ong na iimbestigahan din ng ahensya ang naturang reklamo.



Kabuuang P9 billion ang inilaan para sa SRA ng mahigit 300,000 health care workers para sa kanilang pagsisilbi mula December 20, 2020 hanggang June 30, 2021. (Henry Padilla)