Advertisers

Advertisers

53 lugar sa bansa nasa COVID-19 ‘Alert Level 4’

0 293

Advertisers

NASA 53 lugar na sa bansa, na kinabibilangan ng 11 lugar sa Metro Manila, ang nasa ilalim na ngayon ng Alert Level 4 dahil sa pagtaas ng bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 at hospital bed utilization.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa 11 lugar sa Metro Manila na nasa pinakamataas na alert level sa COVID-19 ay ang Las Piñas, Malabon, Makati, Marikina, Muntinlupa, Navotas, San Juan, Pateros, Quezon City, Taguig, at Valenzuela.

“The National Capital Region maintains positive two-week growth rate and a high-risk average daily attack rate (ADAR) and is currently at high-risk case classification,” sabi ni Vergeire sa isang press briefing.



Samantala, ang iba pang lugar na nasa Alert Level 4 din ay ang Apayao, Baguio City, at Benguet sa Cordillera Administrative Region; Dagupan City at Ilocos Norte sa Region 1; Cagayan at Quirino sa Region 2; Angeles City, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Olongapo City, at Zambales sa Region 3; Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Lucena City, at Rizal sa Region 4A; Naga City at Masbate sa Region 5; Aklan, Antique, Guimaras, Iloilo, at Iloilo City sa Region 6; Bohol, Cebu, Cebu City, Lapu-Lapu City, at Siquijor sa Region 7; Ormoc City at Tacloban City sa Region 8; Bukidnon, Cagayan De Oro City, Camiguin, Lanao Del Norte, at Misamis Oriental sa Region 10; Cotabato (North Cotabato), General Santos City, at South Cotabato sa Region 12 at Agusan del Sur sa Caraga Region.

Ayon sa DOH ang Alert Level 4 ay nangangahulugan na ang isang lugar ay klasipikado sa moderate- to critical-risk at ang healthcare utilization rate nito ay mas mataas sa 70%.
Sinabi naman ni Vergeire na ang bansa ay nakapagtala na ng average na 10,459 bagong kaso ng COVID-19 kada araw mula Agosto 6 hanggang 12, na malaking pagtaas mula sa dating average na 7,987 lamang noong nakaraang linggo o mula Hulyo 30 hanggang Agosto 7.



Nabatid na huling nakapagtala ng peak na 10,845 kaso ng COVID-19 ang bansa noong Abril 9 hanggang 15.

Klasipikado pa rin naman ang bansa bilang high-risk area sa COVID-19 matapos na makapagtala ng two-week case growth rate na 60%, ADAR na 8.37 cases per 100,000 population, healthcare utilization rate na 58.81%, at ICU occupancy rate ba 68.08%. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">