Advertisers
Ni JOVI LLOZA
GUSTO tumili ng walang sound si Ellen Adarna sa paglabas sa social media ng isang larawan.
At paano ba raw ‘di maloloka si Ellen eh pic ‘yun na nag-iinuman sila sa set ng John and Ellen kasama ang kanilang direktor.
Sa paliwanag ni Ellen ay matagal na raw ‘yun na supposed to be ay natabunan na dapat ‘yun.
Pero mismong ang direktor ng nasabing sitcom ang nag-post sa socmed.
Dagdag tsika pa ng fiance ni Derek Ramsay na ang larawang nagkalat sa socmed ay luma na at panahon pa raw ng GCQ.
Ibig sabihin na wala nang ban sa alak or uplift na ang liquor ban sa nasabing lugar sa Antipolo.
Nagtataka naman ang netizens kung bakit ngayon lang nilabas ang inuman sa set.
Basta paglilinaw ni Ellen na panahon ng GCQ ang larawan na nasa socmed na naganap habang sila raw ay breaktime.
Sa kabila ng pics na lumabas sa socmed ay tuloy pa rin ang pagsasampa ng reklamo ni Ellen sa production team ng nasabing sitcom sa TV5 regarding sa health protocol.
Dahil sa pangyayari ay baka tigbakin na sa ere ang nasabing palabas o tuloy pa rin na siyang aabangan ngayon at ayaw na raw mag-work ni Ellen para sa kanyang health.
***
KAHIT 25 YRS. ANG AGE GAP
MARIS NATUWA, TANGGAP NG NETIZENS ANG RELASYON KAY RICO
MATINDING takot ang naging sagabal kay Maris Racal para umamin sa relasyon nila ni Rico Blanco.
Natatakot in a sense na baka pag umamin ay pagtawanan lang at usisain dahil sa kanilang age gap.
Nagulat naman si Maris, 23 nang umamin ito sa relasyon nila ni Rico, 48.
Ang pag-aakala nito ay never matatanggap ang pag-iibigan nina Maris at Rico.
Kaya ganun na lang ang kasiyahan ng singer-actress nang matanggap ang kanilang relasyon.
Dahil sa musika kaya nagkalapit at nagkamabutihan sina Maris at Rico.
Tanong naman kay Maris kung kailan ba siya kinikilig.
Hindi man daw madalas pero kapag binigyan siya ni Rico ng flowers ay doon nga raw siya may kilig factor.
Getting stronger everyday naman ang kanilang relasyon kaya marami ang natutuwa na mga kaanak, kaibigan at kanilang followers.
Well, well, well…’Yun na!