Advertisers
IGINIIT ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na panahon na para matutunan sana ng lahat na hindi lunas sa sitwasyon ang lockdown.
Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr. mahalaga ang pagbubukas ng ekonomiya para maiwasan na lalo pang magkaroon ng bumulusok ang ekonomiya at marami ang mawalan ng trabaho, kasabay nang patuloy na rollout ng COVID-19 vaccines at pagsunod sa umiiral na health protocols.
Sinabi pa ni Ortiz-Luis, dapat magkaroon ng kompromiso, at dapat isipin na mas mahalaga ang ekonomiya at dapat matuto rin mabuhay ang lahat sa COVID-19.
Nauna nang sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na ang posibilidad na palawigin ang ECQ sa Metro Manila sa susunod na tatlo pang linggo ay hindi kinukonsidera.
Sabi-sabi lang din aniya ang napapabalitang limang-linggong ECQ.
Batay sa mga estimates din mismo ng pamahalaan, sinabi ni Ortiz-Luis na aabot sa P150 billion ang nawawala sa ekonomiya ng Pilipinas kada linggo, o P300 billion para sa dalawang-linggo na ECQ.
Ang nawawalang kita na ito sa ekonomiya ng bansa sa kasagsagan ng ECQ ay magreresulta sa unemployment ng maraming tao.