Advertisers
NGAYON ko lamang narinig sa isang pangulo ng Pilipinas na ang Commission on Audit (CoA) pa ang sinisisi sa pagbunyag sa mga maling paggamit ng pondo, maling pro-seso ng mga transaksyon, at pagbuking sa overpriced na mga suplay na binili ng isang ahensiya ng pamahalaan, sa halip na pagalitan at paimbestigahan ang katiwalian.
Yes! Only in this administration na mas kinakampihan, ipinangtatanggol ng presidente at pinagagalitan ang state auditors sa pagsapubliko sa kanilang natuklasan sa mga paggamit ng pondo, taxpayers money, ng isang ahensiya ng pamahalaan.
Samantalang sa mga nakaraang administrasyon, binibigyang halaga ng presidente ang bawat findings ng CoA sa kanilang yearly audit report sa bawat ahensiya ng gobyerno, pero dito kay Pangulong Rody Duterte, ang CoA ay kinokonsidera niyang kontrabida ng kanyang pamamahala sa bansa. Mismo!
Sa kanyang lingguhang ulat sa mamamayan, na ginaganap Lunes ng gabi kungsaan natutulog na ang mga tao, niresbakan ni Pangulong Duterte ang CoA. Pinagalitan niya ito sa pagsapubliko sa kanilang yearly audit report at inabisuhan ang kanyang mga Gabinete na huwag intindihin ang CoA Report. Tsk tsk tsk… mapapa-putang ina ka talaga sa tiradang ito ng isang pangulo ng bansa.
Bagay na inulan si Digong ng batikos ng netizens pati ng mga politiko.
“Anong klase ng presidente itong si Duterte? Sa halip na pasalamatan niya ang CoA at pagalitan ang kanyang Gabinete, inaway pa ang CoA at ipinagtanggol ang kanyang mga opisyal sa katiwalian. Anyare sa sinasabi niyang isumbong sa kanya ang mga ahensiya ng gobyerno na may katiwalian at kanya raw agad paiimbestigahan. Eh ang ginagawa niya, kapag isinumbong sa kanya, inaaway niya ang nagsusumbong, at sasabihin niya hindi korap ang kanyang opisyal. Grabe sya,” Bingbing ng Zambales.
Sabi naman ni Senador Risa Hontiveros: “Dapat alam ng Pangulo na independent at Constitutional body ang Commission on Audit at hindi dapat hinahadangan ng ninuman na gawin ang kanilang tungkulin. Bakit nila pipigilan ang CoA na i-release ang kanilang ulat?”
Reak naman ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez: “Government officials have the responsibility to let the public know how their taxes are being spent.”
Ang pag-atake ni Duterte sa CoA ay nang i-post ng CoA sa kanilang website ang kanilang natuklasang katiwalian sa paggamit sa halos P70 billion pondo ng Department of Health sa paglaban sa Covid19. Natuklasan din ang pag-ipit sa higit P10-B bahagi ng pondo, at ‘di pagbibigay sa risk allowance ng healthworkers. At ang pagbili ng 4 units ng high-end 2-in-1 laptop worth P700,000!
Bukod dito, nabuking din ng CoA ang ‘deficiencies’ sa P8-B Distance Learning Funds ng DepEd.
Ibinunyag din ng CoA ang pagbili ng OWWA ng halos P1-M worth ng napkins sa isang hardware, na hindi makita ang address sa Pasay City. Umaabot daw sa P30 ang pagbili ng kada pad, samantalang ito’y nagkakahalaga lang ng P5-P8 sa tindahan!
Isinapubliko rin ng CoA ang kuwestiyunableng pagbili ng Dept. of Information and Communitions Technology (DICT) under Sec. Gringo Honasan ng gadgets worth P170-M sa isa namang construction firm! Aray ko!
Ngayon lamang nangyari na ang mga gadget ay binibili sa isang construction firm at ang napkin ay sa hardware, overpriced pa!
Ngayon lang din nangyari na ang isang presidente ng bansa ay nagagalit sa CoA sa pagsapubliko sa yearly audit report nito.
Gusto nyo pa bang maipagpatuloy ang ganitong klase ng pamumuno sa 2022? Fuck!