Advertisers

Advertisers

Magsasaka pinugutan ng kainuman

0 298

Advertisers

ISANG magsasaka ang pinugutan ng ulo ng kanyang kainuman sa Tacurong City.

Kinilala ang biktima sa alyas “Kanding”, residente ng Purok Waya-waya, Barangay San Emmanuel ng naturang lungsod.

Nahuli naman ang mga salarin na sina Jonre Imba Barselosa, 21 anyos; at Jenil Pagelo Malila, 22, kapwa residente ng Malungon, Sarangani Province.



Ayon sa hepe ng Tacurong City Police na si Lieutenant Colonel Joan Maganto, nag-iinuman ang biktima at mga salarin. Nang malasing ay naungkat ang dati nang alitan ng biktima at mga salarin na humantong sa pananaga gamit ang lagaraw.

Hindi pa nakontento sina Barselosa at Malila, pinugutan nila ng ulo ang biktima at inilibing sa mababaw na hukay.



Agad tumakas ang mga salarin ngunit sa follow-up operation ng pulisya ay nahuli sa tulong ng mga residente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">