Advertisers

Advertisers

KC bet manirahan na sa Tate; Hiwalayang Paolo at LJ, palaisipan pa rin

0 428

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

NAGING isang malaking palaisipan sa followers nina LJ Reyes at Paolo Contis nang sumabog ang balitang naghiwalay na raw ang couple. Nagsimula ang lahat ng sa pagbabalik ni Paolo mula sa lock-in taping ng latest serye niya sa Siyete na “I Left My Heart In Sorsogon” kasama sina Heart Evangelista at Richard Yap, inalis lahat ni Paolo sa kanyang personal social media account ang mga litratong  kasama si LJ at pati na rin mga litrato kasama ang anak ni LJ kay Paolo Avelino na si Aki.

Bukod tanging mga litrato nila ng bunsong anak na babae na si Summer ang tinira ni Paolo.



Samantala, wala naman ginalaw na kahit anong litrato sa kanyang socmed si LJ. Maraming nagsasabing isang malaking pakulo lang ito ng couple dahil sa may mga project silang ginagawa, tulad nga ni Paolo, sa serye nila nina Heart at Richard, gayundin naman sa patok na movie nila ni Yen Santos sa Netflix, ang “A Far Away Land”, samantalang si LJ ay nagiging visible na ulit sa mga shows ng GMA-7 tulad na lang sa “Dear Uge” at regular hosting job sa morning celebrity show ng Kapuso Network na  ‘Mars Pa More’ kasama si Mars Camille Prats.

Samantala, sa isang episode ng ‘Mars Pa More’ ay natanong si LJ kung ano ang magiging sa tingin niyang makasisira ng relasyon niya sa ibang tao?



“Wala pa naman. Pero feeling ko kung meron mang masisirang relationship ako, because of siguro ugali ko or whatever, siguro stubborness ko minsan. Kasi mapilit talaga ako,” saad ni LJ .

***



NITONG buwan ng Hunyo ay muling umalis ng bansa si KC Concepcion at nagpunta sa States. Sa kanyang socmed photos ay makikita ang masayang KC habang panay selfie sa ginagawa niyang pamamasyal sa iba’t ibang lugar sa Amerika.

Halos magkasabay din lang silang umalis ng nanay niyang si Sharon Cuneta papuntang States, si Sharon ay nakabalik na nitong Agosto samantalang si KC ay nanatiling nasa Amerika.

Kung matatandaan ay minsang nasabi ng Megastar na gusto na niyang tuluyang manirahan sa States dahil malaya siyang nakakakilos doon kahit pa sabihin na marami rin siyang followers. Sa kaso naman kaya ni KC, may chance na sa Amerika na rin siya tuluyan manirahan o babalik pa siya ng Pinas?

“Being here makes it seem like COVID is a lot farther away than it ever was. I love the weather now (it’s cold), and aside from seeing people wearing masks and not being able to watch movies at cinemas, eating at restaurants tables apart, it almost feels like life is normal again. I love being ‘home’ here,” saad ni KC sa kanyang socmed na sinagot ang katanungan ng isang follower kung sa States na siya maninirahan.

Kung tutuusin ay mas matagal ang nilagi ni KC sa Europa kumpara sa States, bakit kaya mas pinili ni KC sa States manirahan?

“I’ve lived and studied in Boston and NYC. There is plenty to do here and I miss Europe very much but have great friends here, too,” dagdag pang say ni KC.

Bukod kasi sa marami na siyang kaibigan sa States ay meron pa rin tinayong  negosyo doon si KC na personal niyang pinangangasiwaan. At sa takbo ng kanyang jewelry business ay bumebenta naman  si KC lalo na sa mga kababayang Pinoy na sa US na rin naninirahan.