Advertisers

Advertisers

Grupo ng magsasaka tinuligsa ang DAR Sec. sa maagang pangangampanya

0 424

Advertisers

MARIING tinuligsa ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang sekretaryo ng Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Castriciones sa kanyang maagang pangangampanya (early campaigning) na “The DAR-to-door program sa buong bansa bilang electoral sorti ni Castriciones na pinondohan umano ng public funds na inilaan para sa mga magsasaka ayon kay KMP Chairperson Danilo Ramos.

“Land distribution is about social justice and not about Castriciones nor President Duterte. The land problem in the country is also far from over as long as the majority of farmers and rural population remain landless and impoverished,” ayon sa KMP leader at sinabing bilang tugon ng administrasyon sa walang tigil na pagmamalaki nito na nalutas na nila ang problema ng agrarian reform.

Nabatid sa press release sinabi ng KMP na ang DAR-to-Door program na binuo ni Castriciones na personal na ibinibigay ang CLOA sa ilan umanong piling farmer-beneficiaries bago pumunta sa kanilang venue para sa seremonyal na CLOA distribution.



Sinabi ng KMP base sa DAR website nitong August 17 nabatid na si Castriciones ay nagtungo sa may 38 iba’t ibang lalawigan ng bansa sa loob ng 13 buwan sa kabila ng Covid pandemic at lockdowns.

Samantala sinabi pa ng KMP na isinulong ng DAR ang pamamahagi ng mga government owned lands at public lands habang pinapanatili ang malalawak na private agricultural lands at haciendas at nananatiling nasa pag-aari at control ng local landlords.



Kaugnay nito idinagdag pa ng KMP na ang DAR-to-Door program ay hindi lamang simpleng counterinsurgency program kundi para mawala ang pagkakaisa ng mga magsasaka para sa pakikibaka sa libreng land distribution at tunay na agrarian reform.

Bunga nito idinagdag pa ng lider ng magsasaka ang programa (DAR-to-Door) ay hindi na kailangan at sobra sobra at magastos sa paglalakbay na kinakailangan ang Covid test at sunod sunod na oil price hikes.



Samantala sinabi ng grupo ng KMP na si Castriciones ay dati na umanong inakusahang tumangal ng P5 Milyon bribe umano para sa land use conversion nitong nakalipas na 2019 bago ang kanyang appointmewnt sa DAR.

Samantala kaugnay nito sinikap naman ng sumulat na makuha ang panig ng Department of Agrarian Reform (DAR) at si DAR Secretary John Castriciones hinggil sa statement ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) subalit sinabi ng kanyang Public Assistance and Media Relations Service (PAMRS) Director Cleon Lester Chavez na bumubuo pa si Sec. Castriciones ng komprehensibong sagot hinggil sa pahayag ng KMP at kailangan sagutin nila ito ng point by point.(Boy Celario)