Advertisers
BAGAMA’T sinabi ni boxing Senator Manny Pacquiao na maaring hindi na siya makitang lumalaban sa ibabaw ng ring, iba naman ang nasa isip ng kanyang matagal nang boxing trainer na si Buboy Fernandez.
Oo! Para kay Fernandez, hindi pa dapat magretiro sa boxing si Pacquiao. Kayang kaya pa raw nitong bumangon tulad ng kanyang mga naunang pagkatalo.
Para kay Fernandez, nagkaroon lang ng problema sa kanyang legs si Pacquiao nang matalo kay Yordenis Ugas ng Cuba nung Linggo sa Las Vegas, USA.
Maririnig sa camera sa break ng laban na tinatanong ni Fernandez si Pacquiao, “Tumigas ang paa mo?”
Hindi sumagot si Pacquiao pero itinuturo niya ang kanyang legs.
Para kay Fernandez, na nakasubaybay kay Pacquiao simula nang 112-pounder palang ito, na ito ang rason kaya hindi masyadong nakagalaw si Pacquiao sa mga atake ng matangkad, mahahaba ang kamay at mas batang dating Olympian bronze medalist na Ugas.
Sabi ni Fernandez, ang muscle cramps ay napaka-crucial dahil bawat sa bato ni Pacquiao ng suntok ay kailangan niyang idiin ang kanyang legs para magkaroon ng lakas.
Ang paninigas daw ng muscle ni Pacquiao ay nagsimula sa kanang calf paakyat sa likod ng hamstring.
Gayunpaman, tinatanggap anila ang pagkatalo. Pero para kay Fernandez, hindi pa panahon para magretiro sa boxing ang kanyang childhood friend. Kayang kaya pa raw nitong bumalik.
“We will try again and rise again,” sabi ni Fernandez, ang vice mayor of Polangui, Albay.
Para sa akin, kayang kaya pa talaga bumalik ni Pacquiao, kailangan niya lang muna mag-relax…
Ang problema ay itong plano niyang pagtakbong pangulo ng bansa.
Sa isang panayam, matapos ang laban kay Ugas, sinabi ni Pacquiao na iaanunsyo niya ang kanyang plano sa 2022 sa Setyembre. Gusto niya raw tulungan ang kanyang mga kababayan.
Nitong Lunes lamang ay inanunsyo ng bagong Labor Party of the Philippines (LPP), kilala ring Workers and Peasants Party (WPP), na gusto nilang si Pacquiao ang kanilang standard-bearer sa 2022 elections.
Sinabi ni Prof. Oscar Morado, LPP senior vice president for operations at party spokesman, si Pacquiao ay mayroong “leadership clothed with decency and transcendence.”
Si Pacquiao ay presidente ng ruling PDP Laban na nabi-yak dahil sa kagagawan ni Energy Secretary Alfonso Cusi.
Tinanggal ng grupo ni Cusi si Pacquiao habang ang Senador ay nasa Estados Unidos para sa laban kay Ugas.
Pero para kay Senador Koko Pimentel, anak ng founder ng partido na si late “Nene” Pimentel, si Pacquiao ang legal na presidente ng PDP Laban, hindi si Cusi na sumulpot lang sa partido.
Ang gulong ito sa PDP Laban ay inaasahang lulutasin ng Comelec.
Inaasahang darating si Pacquiao ngayon o bukas.
Sa kabilang banda, tinanggap na ni Pangulong Rody Duterte ang nomination ng PDP Laban para maging Vice President sa darating na halalan.
Pero ang pahayag na ito ni Duterte ay pinagdududahan ng marami. Dahil kilalang tuso si Duterte sa pag-file ng CoC. Mismo!