Advertisers

Advertisers

Lalaking naka-quarantine pinasok, pinatay

0 415

Advertisers

ISANG lalaki na umuwi sa New Bataan, Davao de Oro para makita ang anak ang pinasok sa loob ng isang quarantine facility at pinagsasaksak hanggang sa mapatay.

Sa ulat, galing sa Siargao ang biktimang si RJ Villacencio at sumailalim sa mandatory quarantine na bahagi ng health protocol bilang pag-iingat sa COVID-19.

Pero pangalawang araw palang niya sa quarantine facility ay pinasok na siya ng isang Rema Villaren at pinagsasaksak hanggang sa mapatay.



Sumuko naman kinalaunan sa pulisya si Villaren at inamin  nito ang krimen.

“Kinausap natin siya [suspek], ni-reveal niya doon talagang pinagplanuhan niya po nang matagal. Umakyat po siya sa bakod (sa likod) yung po ang statement niya,” ayon kay Police Captain Churchill Pablo Angog, Jr., hepe ng New Bataan Police Station.

Matinding selos ang motibo sa pagpatay sa biktima dahil sa isang babae na pareho nilang nakarelasyon.

“Mayroon daw siyang live in partner which is yung babae din na ‘yon ay formely live-in partner naman nitong suspek. (Sa) side naman nung babae at saka nung sa side nung biktima, hiwalay na sila… pero kuwento ng suspek natin, nagkalabuan lang daw,” dagdag ni Angog. (PTF team)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">