Advertisers
APAT na miyembro ng New People Army ang nasawi at 9 pa kabilang ang 12-anyos ang nadakip sa engkwentro sa pagitan ng militar at rebelde sa San Fernando, Bukidnon.
Ayon kay Major General Romeo Brawner Jr, commander ng 4th Infantry Division, 8:00 ng umaga nang maka- engkwentro ng mga elemento ng 88th Infantry Battalion ang nasa 20 rebelde ng Guerrilla Front Malayag, Sub-Regional Committee 2, North Central Mindanao Regional Committee sa ilalim ng pamumuno ng isang alias Migz, Front Secretary sa Barangay Mabuhay, San Fernando.
Isinagawa ang operasyon ng mga sundalo base sa report ng pangingikil at pagre-rectruit ng mga rebelde sa nasabing lugar.
Tumagal ng isang oras ang bakbakan na nagresulta ng pagkasawi 4 rebelde at pagkakadakip sa 9 iba pa.
Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang 5 AK 47 rifle, 7 M16 rifle, 2 M635 rifle, 1 M14 rifle at 1 M203 grenade launcher.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawing rebelde.
Ang nadakip namang 12-anyos ay dinala sa Municipal Social Welfare and Development Officer ng San Fernando. (Mark Obleada)