Advertisers

Advertisers

2 parak pumatay sa mangingisda pinasisibak

0 282

Advertisers

INIREKOMENDA ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP) na sibakin ang dalawang pulis na sangkot sa pamamaril sa mangingisda sa Agusan del Norte.

Maaalalang noong Hulyo, nasawi ang mangingisda na si Ikiel Kintanar nang paputukan ni Senior Master Sergeant Rizyl Torricer at Patrolman Ariel Jay Panes.

Pinahinto umano ng dalawang pulis ang grupo ni Kintanar ngunit dumiretso parin ito kaya nila pinutukan.



Pero sa halip na mag-warning shot, direktang binaril ng mga pulis ang grupo ng mga mangingisda na nagresulta sa pagkasawi ni Kintanar.

Sa imbestigasyon ng IAS, lumabas na sinadyang patayin ng dalawang pulis ang biktima at hindi aksidenteng natamaan lamang.



Dahil dito, nahaharap sa kasong murder ang dalawa at ipinasa na ni IAS chief Inspector General Alfegar Triambulo ang rekomendasyon sa Directorate for Personnel and Records Management na tanggalin sina Torricer at Panes sa serbisyo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">