Advertisers

Advertisers

NASABAT NA 809 KILOS NG SHABU DAPAT WASAKIN NA – PNP CHIEF

0 615

Advertisers

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Philippine National Police (PNP) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagkuha ng clearance sa iba’t ibang korte para mawasak agad ang humigit kumulang 809 kilos ng shabu na nasabat sa magkakasunod na serye ng mga operasyon sa Zambales, Bataan at Cavite nitong nakaraang linggo.

Nagbigay narin ng utos si PNP Chief, General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, sa PNP Legal Service na tumulong sa PNP Drug Enforcement Group (PDEG) at iba pang drug enforcement units sa paghahanda ng mga ligal na dokumento para ihain sa korte at hilingin na wasakin agad ang mga iligal na drogang nakumpiska sa mga operasyon.

“In coordination with the PDEA which is the lead agency in the operations in Zambales, Bataan and Cavite, we will seek clearance from various courts concerned for the immediately destruction of the more or less 809 kilos of shabu confiscated in these operations. Our legal actions will also cover all the other illegal drugs confiscated in other operations,” pahayag ni Eleazar.



Ayon pa sa kanya: “Ito ay batay narin sa kautusan ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sa lalong madaling panahon ay masira na ang mga iligal na drogang ito upang maiwasan ang mga alegasyon at mga haka-haka ng drug recycling, kahit pa nga malabo nang magyari ito dahil sa mas pinahigpit pang mga patakaran ukol sa chain of custody.”

Nakasaad sa Republic Act 9165, Comprehensive Dangrous Drugs Act of 2002, na dapat magsagawa ng isang ocular inspection ang korte sa mga nakumpiska o nasabat na iligal na droga o iba pang sangkap sa paggawa nito 72 oras matapos maisampa ang kasong kriminal at matapos naman ang 24 oras mula nang mabisita ay agad sisimulan ng PDEA ang pagwasak o pagsunog sa mga ito, ngunit dapat ay may maiwang sample na kasing bigat ng mga winasak.



Pinunto din ni Eleazar na sasamantalahin narin nila ang inilabas na Memorandum Circular ng Korte Suprema ngayong taon na nagpapaalala sa mga korte sa buong bansa na bilisan ang pagwasak sa mga nasabat na iligal na droga sa iba’t ibang operasyon.

Nakasaad sa SC circular na ang lahat ng Regional Trial Courts ay dapat na “mahigpit na sundin” ang mga itinatadhana ng Section 21(4) ng Republic Act 9165 hinggil sa agarang pagsira ng mga nasasabat na iligal na droga.



Gayundin, pinayuhan ng Korte Suprema ang mga lower court na gawing prayoridad ang pagwasak sa mga iligal na droga na tumitimbang ng limang kilo pataas: “In cases where the illegal drugs seized are physically brought to the court, the court shall issue the order of destruction thereof within 24 hours therefrom.”

Nagkakahalaga ng 5.5 bilyon piso ang nasabat na 809 kilos ng shabu sa mga operasyon sa Zambales, Bataan at Cavite, pinakamalaking huli ng mga otoridad ng PNP at ng PDEA para sa taong ito. (Koi Laura/ Mark Obleada)