Advertisers

Advertisers

CONG. ERIC YAP, WALANG KAPAGURAN SA SERBISYO

0 306

Advertisers

LABIS ang pasasalamat ng mga residente sa iba’t ibang munisipyo ng Benguet sa tuloy-tuloy na serbisyo na inihahatid ni Benguet caretaker at ACT-CIS Cong. Eric Yap.

“Nang siya po ay aming maging caretaker o bagong kinatawan dito sa Benguet, ay sadyang ramdam po namin ang kanyang tunay na malasakit,” pahayag ni Obet, isang magsasaka.

Ito ang halos maririnig mo sa bawat bibig ng mga residente sa Benguet na lubos nagpapasalamat sa mga programa ng mambabatas.



Kamakailan lamang ay naghatid ng tulong o financial assistance si Cong. Yap sa Tublay na kung saan nakasama at naging saksi rito si Tublay Mayor Armando Lauro habang isinasagawa ang pagsasaayos ng mga ipapamahagi.

“Ito naman po ay tungkulin na dapat natin ihatid sa mamamayan. Maibalik ang kanilang kumpyansa sa gobyerno na sila po ay laging una at hindi pababayaan,” pahayag ni Yap.



Sa Tablay, nakapamahagi ng tinatayang 385 financial assistance sa magsasaka. Kasabay nito ay ang muling garantiya ni Cong. Yap na ang serbisyo na dekalidad ay laging makakarating sa probinsya ng Benguet.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">