Advertisers

Advertisers

11 ABC President at maimpluwensiyang pulitiko, pasok sa ‘jueteng payola’ sa Mindoro?

0 296

Advertisers

PATULOY na inirereklamo ng mga concerned citizens ang umanoy pananahimik ng kanilang punong lalawigan sa pamamayagpag ng operasyon ng jueteng sa Oriental Mindoro na nagkukubli sa ilalim ng “Barangayan Lucky Bingo” at “Peryahan ng Bayan” (PnB) na binobola sa pamamagitan ng holen na may dalawang beses na resulta sa isang araw, isa sa tanghali at isa sa gabi.

Hiling ng mga mindoreño kay Governor Humerlito “Bonz” Dolor at Police Regional Office MIMAROPA Director PBGen Nelson Bondoc ang pagtutok sa nasabing suliranin sa lalawigan.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source, 11 ABC President ang umanoy nakipag meeting sa maimpluwensiyang pulitiko sa bayan ng Victoria para pag-usapan umano ang PAYOLA sa operasyon ng jueteng na nagkukubli sa “Barangayan Lucky Bingo” at “Peryahan ng Bayan” na pinangangasiwaan diumano ng isang Vice Mayor sa Oriental Mindoro na may pa-jueteng din sa Pangasinan.



Nagpapatuloy ang pamamayagpag ng jueteng sa naturang probinsya na pino-protektahan umano ng isang maimpluwensiyang pulitiko sa buong Oriental Mindoro na tumatanggap ng P5-Milyon kada buwan bilang suhol o payola.

Ibinunyag din ng source ang dumadaloy na 15-30 at ‘weekly payola’ na umaabot sa P20-Milyon para sa ilang opisyal ng Police Regional Office 4B, NBI-4B at ilang mga tiwaling Barangay Captain at Mayors?



Saganang akin, 3 ahensiya lang ng gobyerno ang nangangalaga sa “peace and order” at sumusupil sa lahat ng uri ng iligal sa Oriental Mindoro.

Ito ay kinabibilangan ng Provincial Government, National Bureau of Investigation (NBI-MIMAROPA) at Regional Police Office (PRO-MIMAROPA).



Ang mga yan ay pinamumunuan nina Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor, NBI-4B Regional Director Rommel J. Vallejo at PRO4B Regional Director PBGen Nelson Bondoc?

Base sa classified info na natanggap ng BALYADOR, basura umano sa nasabing probinsiya ang Executive Order No.13 ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte maging ang ‘Marching Order’ ni SILG Eduardo Año at PNP chief, Director General Guillermo Eleazar na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno at kapulisan na tumanggap ng pabor (financial favor/payola) mula sa iligal partikular na sa illegal gambling?

Ayon sa source, walang sira ulong nilalang ang maniniwalang walang ”pakinabang” o nakukuha dito ang mga ibinulgar na personalidad?!

Infairness naman sa mga nabanggit na opisyal, kung totoo nga na wala silang TINATANGGAP abay PATUNAYAN nila, ipahinto nila ang talamak at lantarang operasyon ng jueteng sa kanilang Areas of Responsibility! Peryod!

Subaybayan natin!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com at ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!