Advertisers

Advertisers

‘Healing President’ Isko Moreno, maraming pruweba

0 587

Advertisers

ISANG ‘healing’ president na maga-anyaya sa mga kabataan o ‘millennials’ para lumahok sa gobyerno.

Ganitong uri ng lider ang maaasahan ng Pilipinas kay Manila Mayor Isko Moreno kung ito ay mahalal bilang Pangulo ng bansa sa darating na eleksyon sa 2022.

Sinabi ito ni Moreno matapos siyang pormal na magdeklara ng planong pagtakbo sa pagka-Presidente sa susunod na taon, kung saan ang kanyang kandidato para Bise-Presidente ay ang public health advocate na si Dr. Willie Ong. Sila ay kapwa tumatakbo sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko na itinatag ng yumaong Senador Raul Roco noong 1997.



Ani Moreno,hindi siya ang tipo na uubusin ang kanyang panahon sa tinatawag na ‘rearview mirror politics’ o paninisi sa nakaraan dahil sa mga problemang kanyang kinakaharap o kakaharapin sakaling siya na ang Presidente. “Hindi ko po isisisi sa nakaraan ang problemang ating kakaharapin. We can only move forward on our road to recovery if we are not consumed and immobilized by the rear view mirror politics. While ours will be a government of national reconstruction, it will also be a government of national reconciliation, based on justice and rule of law,” ani Moreno.

“To energize our bureaucracy, I will be inviting millennials to join the government so they can put their talents in the service of their fellow countrymen,” dagdag pa ni Moreno.



Naniniwala umano ang alcalde na ang isang lider ay hindi lamang dapat nag-iisip nang ‘outside the box’ o labas sa mga nakagawian, subalit dapat din siyang pumili ng mga tao na labas din sa kanyang ‘circle’.

“Tandaan nyo po ito: Sa ating administrasyon, competence not connection, will be the sole guide in making appointments. To those with skills, no recommendation is necessary. To those without, need not apply,” aniya, sabay pahayag na ang sinumang papalpak ay agad na sisibakin. “I will form the broadest form of government with the best and brightest at its helm. Hindi lang manggagaling sa lungsod ng Maynila, o sa isang partido, o sa isang paksyon, o sa isang propesyon, o sa isang tribo, o isang age group,” pangako pa nito.



Ani Moreno, ang kanyang mga plano ay batay sa ‘prototypes’ o mga programang nasubukan at nagawa na sa Maynila, lalupa’t patungkol sa mass housing, job opportunities at health services. Totoo naman. Lahat ng ‘yan ay may pruweba sa Maynila dahil hindi lang ito ipinapangako. Napapakinabangan nang lahat sa ngayon.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.