Advertisers

Advertisers

Pulis, nagpaanak sa loob ng traysikel

0 524

Advertisers

ISABELA – Viral ngayon sa social media ang kabutihan na ipinamalas ng isang pulis na nagpaanak sa isang ginang sa loob ng tricycle dito sa Cauayan City, Isabela.

Kaagad tinugunan ni PCpl Jefferson Gannaban ang isang ginang na nakasakay sa tricycle sa bahagi ng Don Jose Canciler, Cauayan City.

Si PCpl Gannaban, naka-duty sa kanto o PTU Cauayan-Cabatuan road partikular sa Brgy. San Fermin nang tawagin siya ng isang lalaki kaugnay sa panganganak ng naturang ginang.



Nataon na registered Nurse si PCpl Gannaban dahilan upang hindi na nagdalawang isip tulungan ang ginang na nanghihina na ng mga sandaling iyon.

Ligtas at matiwasay naman na lumabas ang bata at agad nadala sa hospital ang mag-ina. (Rey Velasco)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">