Advertisers
ISABELA – Patay sa saksak ang sampong taong gulang matapos pagsasaksakin ng sariling ama sa Barangay Culalabo Del Sur, Burgos, Isabela.
Kinilala ang salarin na si Sergie Estela, 35 anyos, mekaniko; at ang biktima ang anak na si Arjay Estela, 10 anyos na kapwa residente ng nabanggit na lugar.
Batay sa salaysay ng mga kapitbahay na nagsasalita umanong mag-isa ang salarin.
Nakarinig anya ang kapitbahay sa tinig ng ama na humihingi ng pasensiya sa anak dahil napatay nito kaya’t dali-dali nilang puwersahang binuksan ang tahanan ang mag-anak at nakitang duguan ang dalawa.
Matapos anyang saksakin ng ama ang anak ay tinangka din nitong magpakamatay sa pamamagitan ng paglaslas ng leeg habang nagtamo ng apat na saksak sa tiyan ang batang biktima.
Dinala sa pagamutan ang mag-ama ngunit dead on arrival sa pagamutan ang batang biktima habang ang ama ay nasa kritikal na kondisyon.
Kasalukuyang nagmo-module ang batang biktima nang saksakin ng kanyang ama.
Ang mag-ama lamang ang nakatira sa kanilang bahay matapos kunin ng mga kamag-anak ang isang kapatid ng biktima dahil napansin nilang dumaranas ng depresyon ang salarin nang maisanla ang kanyang motorsiklo habang wala ring komunikasyon sa asawang nasa abroad. (Rey Velasco)