Advertisers
NAGBANTA si Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin niya ang puwersa ng militar sa 2022 presidential elections.
Ayon sa Pangulo, ito ay kung kakailanganin para masiguro lamang na magiging maayos at mapayapa ang susunod na eleksyon.
Nais kasi ng Pangulo na magiging maayos ang eleksyon kung saan malayang makaboboto ang mga botante at makapipili ng nais na mga kandidato.
Kakandidatong bise presidente si Pangulong Duterte sa susunod na eleksyon.
***
Samantala anim napung porsiyento ng mga Filipino ang naniniwalang lalabagin ni Pangulong Duterte ang Saligang Batas kung tutuloy ang ‘vice presidential run’ sa 2022 elections.
Base ito sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey.
Anila kinakailangan munang amyendahan ang Saligang Batas bago tumakbo sa pagka-pangalawang pangulo ang Punong Ehekutibo at marami sa kanila ang hindi bilib kay Pangulong Duterte.
Sa 39 porsiyento naman na pabor sa balak ni Pangulong Duterte, ikinatuwiran nila na gusto nila na maipagpatuloy ang pamamalakad nito.
Ginawa ang survey noong Hunyo 23 hanggang 26 sa 1,200 respondents sa buong bansa.
Ayon sa SWS, maging ang mga sumagot sa face-to-face survey sa Mindanao (53 porsiyento) ay nagsabing lalabagin ni Pangulong Duterte ang Saligang Batas kung itutuloy niya ang kanyang balak.
Sa Luzon, 65 porsiyento ang hindi sang-ayon sa balak ni Pangulong Duterte, 59 porsiyento sa Visayas at 56 porsiyento sa Metro Manila respondents.
Samantala, ang isang porsiyento sa mga natanong at hindi nagbigay ng kasagutan.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!