Advertisers

Advertisers

Katapangan ng Kalinga State University

0 248

Advertisers

UMINGAY ang ginawang pagtatanggal ng mga aklat na nagtuturo ng komunismo na ibinahagi ng National Democratic Front of the Philippines sa Kalinga State Univesrsity (KSU).

Katwiran ng unibersidad, prinoprotektahan lamang nito ang kanilang mga mag-aaral sa posibleng panganib na ibubunga ng pag-babasa ng nasabing mga aklat na maaaring mauwi sa kanilang pagsali sa komunistang-teroristang samahan ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Tama naman ang pamunuan ng KSU sa ipinakitang katapangan nito nang tanggalin ang mga libro, dahil nagtuturo lamang ito ng maling idolohiya na tutunaw sa kaisipan ng ating mga kabataan at mag-aaral para lamang labanan ang pamahalaan sa armadong pamamaraan.



Alam ng pamunuan ng KSU na mismong sa kanilang lugar, karamihan ng mag-aaral na nahikayat ng CPP-NPA-NDF na pumanig at sumali sa kanilang grupo ay walang ibang nangyari kung di nasaktan o kaya naman ay napaslang lamang sa mga enkwentro.

Maganda nga ang ginawa ng KSU dahil naglutangan ang mga lider ng estudyante at maging mga dating kabataang lider ng nga rebelde upang ihayag ang kanilang suporta sa KSU at kundinahin ang mapanglinlang na pamamaraan ng CPP-NPA-NDF sa panghihikayat ng mga kabataan na sumali sa komunistang-teroristang samahan.



Iisa ang kanilang linya – nilalason ng mga aklat na ito ang kanilang mga kaisipan – kaya naman nanawagan din sila sa mga papasok ng kolehiyo at mga unibersidad na maging mapagbantay sa ganitong panghihikayat ng mga CPP-NPA-NDF.

Sa naipakitang katapangan ng pamunuan ng KSU ay agad naman din itong naging ehemplo para sa iba pang institustyon ng kaalaman. Ang Isabela State University (ISU) ay agaran ding pinatanggal ang mga aklat sa kanilang mga library kabilang na sa sampu pa nilang ‘campuses’ sa probinsiya.



Naniniwala ang pamunuan ng ISU na ang pinagsama-samang pagkilos o “whole-of-nationa approach” na panawagan ng Administrasyong Duterte ang tatapos sa mahabang panahon ng pagtatangka ng CPP-NPA-NDF na agawin ang pamahalaan at isailalim ito sa maka-komunistang-teroristang pamamaraan.

Kayo ba ay papayag sa mga ganitong kabuktutan? At pasasa-ilalim sa komunistang pamamahala ng mga teroristang CPP-NPA-NDF?