Advertisers
SINABI ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez na palalawigin din ng poll body ng dalawang linggo ang overseas voter registration para sa 2022 national elections.
Ayon kay Jimenez, ang voter registration extension para sa mga overseas voters ay isasagawa mula Oktubre 1 hanggang 14, na kasabay sa petsa nang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga kandidato sa Oktubre 1 hanggang 8.
“Registration of overseas voters is extended for two weeks — Oct. 1 – 14,” tweet pa ni Jimenez.
“Note that for overseas voting, the filing of COCs is not an issue, thus, the extension starts immediately,” dagdag pa niya.
Matatandaang una na ring inaprubahan ng Comelec ang voter registration extension para sa mga local registrants mula Oktubre 11 hanggang 30. (Andi Garcia/Jonah Mallari)