Advertisers

Advertisers

Covid vaccination sa 12-17 anyos sa NCR target simulan sa Okt. 15

0 221

Advertisers

PUNTIRYA ng pamahalaan na masimulan na ang COVID-19 vaccination drive para sa mga kabataang edad 12 hanggang 17 taong gulang sa Oktubre 15.

Sa isang televised public briefing, sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje na plano nilang simulan ang pagbabakuna sa mga menor de edad sa Metro Manila at magiging prayoridad nito yaong may mga comorbidity gaya ng heart, kidney, at respiratory problems.

“Ang target natin ay masimulan ito sa Oct. 15. Uumpisahan natin sa National Capital Region (NCR) kasi maganda-ganda na ‘yong kanilang coverage ng kanilang vaccination, lalong-lalo na ‘yong kanilang A2 (senior citizens),” pahayag pa ni Cabotaje.



Aniya, pagkatapos ng dalawang linggo o yaong tinatawag na test run, ay dadalhin na rin nila ang pagbabakuna sa mga kabataan sa iba’t ibang rehiyon.

“Uumpisahan ang pagbabakuna sa may comorbities,” aniya pa.



Sinabi ni Cabotaje na kinakailangan ng mga bata at ng kanilang mga magulang o guardian na lumagda ng consent forms para sa vaccination.

Dapat din aniyang magprisinta ang mga menor de edcad ng medical certificates na nagpapatunay na mayroon siyang health risks.



Dagdag pa ni Cabotaje, sa ngayon, tanging ang COVID-19 vaccines na gawa ng Moderna at Pfizer pa lamang ang nakakuha ng emergency use authorization (EUA) para sa mga 12-17-year-olds sa bansa, kaya’t ang mga naturang bakuna lamang ang gagamitin para sa nasabing age group.

Target din aniya ng mga awtoridad na mailabas ang guidelines hinggil dito sa susunod na linggo.

Sa ngayon, may limang priority groups pa lamang ang binabakunahan ng pamahalaan laban sa COVID-19, kabilang dito ang mga health workers (A1), senior citizen (A2), people with health risks (A3), essential workers (A4), at indigents (A5).

Inaprubahan na rin naman ng pamahalaan ang COVID-19 vaccination para sa general adult population sa Oktubre. (Andi Garcia/Jonah Mallari/Jocelyn Domenden)