Advertisers

Advertisers

Covid update: 12,805 bagong kaso; 12,236 gumaling; 190 patay

0 212

Advertisers

NAKAPAGTALA lamang ang Department of Health (DOH) ng 12,805 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, Setyembre 29.

Samantala ay mayroon namang naitalang 12,236 na gumaling at 190 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.2% (132,339) ang aktibong kaso, 93.3% (2,365,229) na ang gumaling, at 1.51% (38,164) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 27, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 1 lab na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na nai-test at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">