Advertisers
Arestado ang pitong indibidwal samantalang nasamsam sa mga ito ang siyam na mga matataas na kalibre ng baril at ilang pampasabog sa isinagawang hot pursuit operation ng Marine Battalion Landing Team 5 ng 1st Marine Brigade sa Sitio Super, Barangay Curahab, Malabang , Lanao Del Sur, nitong Huwebes.
Kinilala ang mga naaresto na sina Faisal Dima, 31; Naim Abdul, 33; Tataw Sarip, 34; Taop Rauf, 19; Jojo Marohom, 28; Alican Sarip, 42; at Ryan Sarip, 18- anyos
Narekober sa mga suspek ang isang 50 Cal. Barret sniper Riffle, limang M16A1 rifles, isang M79 grenade launcher, dalawang Cal. 45 pistols ,isang cal. 38 pistol isang hand grenade , 40 mm grenade launcher, ilang mga bala at military equipment.
Ayon sa report, mula sa MBLT5 nakatanggap ito ng report kaugnay sa pag-aatakae ng nasabing grupo sa Barangay Bunkhouse, Malabang Lanao Del Sur. Maliban pa dito, dalawang pangha-harass ang unang naiulat sa bayan ng Malabang kung kaya’t nagsagawa na ng hot pursuit operation na nagresulta sa pagkakahuli ng pitong indibidwal.
Naging katuwang naman sa nasabing operasyon ang Malabang MPS, 2nd Provincial Mobile Force Company, at Lanao Del Sur PPO.
Sa ngayon, nakapiit ang mga suspek sa Malabang MPS at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.