Advertisers
Kasabay ng paghahain ng Certificate of Candedacy, nitong Biyernes, nabulabog ang Malolos Regional Trail Court sa text na may sasabog na bomba sa Branch 82, at Office of the Clerk of Court.
Agad naglabasan lahat ng tao mula sa Building 3 Bulacan Regional Trail Court at Office of the Clerk of Court nang makatanggap ng bomb threat ang tatlong empleyado, 9:59 ng umaga.
Ayon kay Atty Jen Gregorio, una siyang nakatanggap ng text messege na “May bomba sa branch 82 at opisina ng OCC, may naglagay, paki relay sa mga empleyado, mula sa hindi nagpakilalang texter na cellphone number 09691676429.
Nabatid na nakasarado ang Branch 82, na sinasabing sasabog, tanging ang mga katabi nito ang bukas.
Kabilang rin sa nakatanggap ng text sina Rochelle Panaligan, at Kristene Joy Santos na kapwa kawani ng OCC.
Agad nilagyan ng police line ang paligid nang naturang gusali, nagsagawa na rin ng searching ang K-9 dog ng Bulacan Bomb, Squad ng PNP,
Kung saan inisa-isa,ang mga kwarto ng Korte, maging ang mga sasakyan na nakaparada sa labas ng RTC.
Makalipas ang halos dalawang oras matapos ang inspeksyon ng mga K9 at Swat,walang nakitang bomba ang mga awtoridad.
Mag-aalas dose ngayong tanghali bumalik sa kanilang mga trabaho ang mga kawani ng Korte.(Thony D. Arcenal)