Advertisers

Advertisers

2 scammers gamit ang Obispo sa panghihingi ng ayuda sa mga senador

0 274

Advertisers

DINAKIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang scammers na nagpapakilalang kinatawan ng Obispo upang makahingi ng donasyon sa mga senador.

Kinilala ang inaresto na sina John Curt Resco at Dennis Jose Borbon na nagpakilalang kinatawan ng Obispo sa Daet at nanghihingi ng P300,000 para sa diocese.

Ayon sa ulat, hiniling ng opisina ni Senate President Vicente Sotto III ang tulong ng NBI upang imbestigahan ang insidente.



Sinabi ni NBI – Special Task Force executive officer Sixto Espinesin Jr., base sa kanilang beripikasyon, napag-alaman na walang bishop sa Archdiocese ng Bicol at wala ring nanghi-hingi ng ayuda o tulong.

Kalaunan, sinabi ni Resco sa NBI na isang detainee sa Manila City Jail na si Dennis Jose Borbon ang mastermind ng scam na nahaharap naman sa kasong estafa.



Dahil dito, nagsagawa ng operasyon sa kulongan ang mga otoridad at kinumpiska ang cellphone at sim card na gamit ng suspek sa pakikipag-usap sa opisina ng senador gayundin kay Senador Francis Tolentino.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">