Advertisers

Advertisers

PULIS SINILABAN NG TULAK SA BUST BUST

0 563

Advertisers

NAGTAMO ng second degree burn ang isang pulis nang sabuyan ng gasolina at sindihan ng drug suspect na kanyang aarestuhin sa buy-bust operation sa Barangay Camaya sa Mariveles, Bataan.

Kinilala ang biktima na si P/Corporal Edward Gannaban.

Ayon sa ulat, nagkasa ng buy-bust ang mga operatiba ng Mariveles Police laban sa drug suspect na si Melvin Basci na nakatira sa nabanggit na lugar.



Nakahalata si Basci na pulis ang kanyang katransaksyon, si Cpl. Gannaban, kaya dali-dali itong kumuha ng gasolina at isinaboy sa pulis at sinindihan, dahilan upang magtamo ng lapnos sa buong katawan ang pulis.

Nang nagliliyab na ang pulis, sinamantala ni Basci ang pagtakas.



Dinalaw naman ni Bataan Provincial Director, Colonel Joel Tampis, sa pagamutan si Gannaban na tatanggap ng financial assistance sa sinapit na kalagayan habang ginagampanan ang kanyang tungkulin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">