Advertisers

Advertisers

Two-time winner Desisa, Kipruto paborito sa Boston Marathon

0 243

Advertisers

MATAPOS makansela nakaraang taon dahil sa COVID-19 at pinagpaliban ng anim na buwan ngayon taon, ang 125th edition ng Boston Marathon ay itutuloy ngayon Lunes.

Ang mga Kenyans na kampeon sa marathon ang ilan sa paborito sa 26.2 mile na paligsahan sa kalsada ng Boston, na bakunado at negative sa Covid -19 test sa race medical center ang puwedeng sumali.

Ang 20,000 na kalahok ay binawasan ng 40 percent ang sasabak at sinabi ng organizers na halos 95 percent ng runners ay bakunado, Kailangan naka Masks,habang 200,000 spectators ang inaasahang paparada sa rota.



“We look forward mightily to what’s coming Monday,” Wika ni Boston Athletic Association chief executive officer Tom Grilk. “It has been more than 900 days since we last ran together here in person.”

Ang spring classic ay pinagtatalunan isang araw matapos ang Chicago Marathon at ilang Linggo bago ang New York Marathon.



Ang men’s race ay inaasahang mapunta kay Kenya’s Benson Kipruto,30, na galing sa panalo 5 buwan ang nakaraan sa Prague sa tiyempong 2;10;16, ang kanyang best na 2;05;13 mula sa Toronto noong 2019, at seventh nakaraang taon sa London.

Ethiopian Lelisa Desisa, 31, ang 2019 world champion at nagwagi sa 2013 at 2015 Boston titles pati na rin sa 2018 New York crown, pero nabigong nakatapos sa Tokyo Olympics sa August. ang kanyang best na 2;04;45 ay galing sa panalo noong 2013 sa Dubai.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">