Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
“SHE’S very different from me,” umpisang sagot ni Max Collins sa tanong namin kung gaano kalapit o kapareho ang pagkatao niya sa tunay na buhay sa personalidad ni Dominique Ramirez na karakter niya sa To Have And To Hold.
Sa To Have And To Hold, si Dominique ay isang “successful interior designer who is smart, an alpha female, has a high sense of worth, and doesn’t like being taken for granted.”
At ayon kay Max…
“Iyon yung kagandahan ng being an artista basically, we get to have different experiences and play different kinds of people, so malayo yung kuwento niya sa buhay niya sa kuwento ng buhay ko and malayo din yung personality niya sa akin.
“But yung mga napulot ko sa kanya would be siguro yung confidence, the way she dresses.
“There are certain aspects that I got from her.
“But yeah, she’s very different but she’s very lovable in some ways and you won’t like her in some ways, just like me, I guess. Ganun din.
“Hindi naman ako perfect na tao.
“So ayun, those are the commonalities and differences between Dominique and I.
“Dominique is brave and confident, but at the same time, she has many flaws and is trying to find herself. I can relate to her in those aspects.
“It’s the first time I’ve ever over-prepared for a role. I embraced every part of her, the good and the bad,” pahayag pa ni Max.
Ang iba pang bumubuo sa cast ng To Have And To Hold bukod kina Max, Carla Abellana at Rocco Nacino ay sina Luis Hontiveros bilang Daryl, Athena Madrid bilang Grace, Valeen Montenegro bilang Sofia, Gilleth Sandico bilang Vicky, Roi Vinzon bilang Giovanni, Bing Pimentel bilang Millet at Ina Feleo bilang Quel.
Sa direksyon ni Don Michael Perez napapanood ito weeknights sa GMA Telebabad.
***
‘Tale of the Nine Tailed,’ mapapanood na sa GMA Heart of Asia
Mananaig ang pag-ibig sa kabila ng kadiliman sa pinakabagong handog ng GMA Heart of Asia na South Korean drama series na ‘Tale of the Nine Tailed’ simula ngayon, Oktubre 11 sa GMA Telebabad.
Kinahumalingan ng maraming viewers ang naturang South Korean drama dahil sa star-studded cast at interesting plot nito na pinaghalong romance, Korean folk tales, at horror elements.
Ang serye ay pinagbibidahan ng mga kilalang artista na sina Lee Dong-wook bilang Leon, Jo Bo-ah bilang Gia, at Kim Bum bilang Ram.
Si Leon, isang nine-tailed fox, ay dating mountain guardian sa bundok ng Baekdudaegan. Matapos mawala ang kanyang mortal na first love, isinuko niya ang kanyang posisyon at piniling mamuhay bilang tao ng ilang siglo upang hanapin ang reincarnation ng kanyang iniibig.
Samantala, nagtatrabaho si Gia sa isang TV station bilang producer ng supernatural documentaries. Noong bata pa siya, nasangkot siya sa isang aksidente at mahiwagang nawala ang kanyang mga magulang. Naaalala niya ang isang lalaki na nagligtas sa kanya sa aksidente na si Leon pala.
Sa kasalukuyan, muling nagkrus ang landas nina Leon at Gia at pursigido silang hanapin ang mga kasagutan sa kanilang nakaraan.
Huwag palampasin ang pinakahihintay na premiere ng ‘Tale of the Nine Tailed’ simula Oktubre 11, 9:35 ng gabi sa GMA Telebabad.