Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HABANG kontrobersyal ang ex-dyowa na si Aljur Abrenica sa pakikipagrelasyon sa ibang girl, wala na nga raw care si Kylie at nakapag-usap na sila regarding dun.
At ayaw naman nitong gawing big issue ang naganap sa kanila ng ex.
April pa nga raw ng magkahiwalay sila kaya hindi na big issue kung ma-link ang kanyang dating love sa ibang girl.
Meaning, deadma na ang anak ni Robin Padilla kung may bago nang dyowa si Aljur.
Samantala, trending naman ang mga pics ni Kylie sa socmed.
As in nagandahan ang netizens sa aura ngayon ni Kylie. May mga komento nga na effort less pa nga raw si Kylie sa kanyang beauty.
May sabat pa na ‘di pa nga raw nagpapa-sexy sa kanyang attire ay marami nang hanga at nagpapatansya kay Kylie.
Sitsit pa ng netizens, si Kylie raw ay naglalarawan ng tunay na ganda.
Napansin ang ganda ni Kylie lalo na nang gumawa sila ng film ni Andrea Torres.
***
MUKHANG magniningning ang kampanya ni VP Leni Robredo sa pagkandidato nito bilang Presidente ng bansa sa 2022.
Kung si Nadine Lustre nga ay inilantad na ang pagsuporta kay Leni, ilan pang malalaking bituin ay suportado rin si VP Leni.
Ang kulay pink ang nagsisimbolo ng pagka- independent ni VP Leni sa pagtakbo nitong President.
Ilan sa mga artista na nakitaan ng suporta kay VP Leni ay sina Marian Rivera, Angel Locsin, Liza Soberano, Pia Wurtzbach, Maricel Soriano, Sharon Cuneta at marami pang iba.
Magiging star studded for sure ang miting de avance ni VP Leni na tumatakbong Presidente.
At marami pa ngang taga-showbiz ang lalantad ng signature color ni Robredo, ang Pink Power.
Masaya ito, di ba? Well, well, well…’Yun na!